Saturday , April 20 2024

Cone haharap kay Iverson

ANG 2014 PBA Grand Slam coach na si Tim Cone ng Purefoods Star Hotdog ay magiging coach ng koponang haharap sa tropa ni Allen Iverson sa gagawing All In Charity Basketball Game na gagawin sa Mall of Asia Arena sa Nobyembre 5.

Ayon sa managing director ng PC Worx na si Michael Angelo Chua, kasama rin si Cone sa basketball clinic na gagawin ni Iverson sa umaga bago ang laro.

Pinalitan ni Cone si Robert Jaworski na umatras pagkatapos na namatay ang kanyang biyenan noong isang linggo.

Hahawakan ni Cone ang ilang mga PBA legends tulad nina Renren Ritualo at Jerry Codinera, kasama rin ang ilang mga manlalaro ng UAAP at NCAA tulad nina Kiefer Ravena, Jeron Teng, Ola Adeogun, Javee Mocon, Troy Rosario at Mac Belo.

“Excited akong makaharap si Iverson dahil noong bata pa ako, napapanood ko ang mga games niya sa Internet. Magandang experience ito,” ani Rosario ng UAAP champion NU Bulldogs na dumalo rin sa PSA Forum.

Idinagdag ni Chua na darating sa bansa si Iverson sa Nobyembre 3 kasama ang ilang mga streetballers na haharap sa koponan nina Cone.

“AI’s team will be Team Gawad Kalinga while coach Tim’s team is Team PC Worx. We will give our best and we also hope to inspire the youth through basketball,” dagdag ni Chua.

Ang mga kikitain sa All In Basketball Challenge ay mapupunta sa Gawad Kalinga at puwedeng bumili ang mga tiket sa mga sangay ng PC Worx at SM.

James Ty III

About hataw tabloid

Check Also

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

MILO 60th Anniversary

 MILO Philippines kicks off 60TH year celebration;  underpins commitment to grassroots sports development

15 April 2024 | Manila, Philippines – In a celebration event to mark its 60th …

Sambo PH team TOPS Paolo Tancontian Ace Larida

Sambo PH team potensiyal sa int’l arena

KUNG medalyang ginto ang nais ng sambayanan mula sa contact sports, ibilang ang Sambo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *