Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Sino ang magpapaharap kay VP Jejomar Binay sa senate probe?!

Sino ang magpapaharap kay VP Jejomar Binay sa senate probe?!

HABANG naninindigan si Vice President Jejomar Binay na sa Ombudsman lang niya haharapin ang mga akusasyon laban sa kanya, iginigiit naman ng sambayanang Pinoy na dapat na niyang harapin ang Senate probe.

‘Yan umano ay batay sa Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa noong Setyembre 26 – 29.

Ayon umano sa 79 percent Pinoy, naniniwala sila na DAPAT nang humarap sa Senate probe si VP Jojo “biding-bidingan” Binay.

Panahon na para harapin ni Binay ang Senate investigation para sagutin ang mga alegasyon na ibinabato sa kanya at sa kanilang pamilya hinggil sa overpriced Makati City parking building, overpriced hospital beds at iba pang medical equipments at ang 350-ektaryang farm at hacienda sa Sto. Rosario, Batangas.

Hindi naman pwede na ang mga aso ‘este’ tao mo ang sumasagot sa mga binabatong issue sa ‘yo. Kaya madalas na parang pansit-palabok ang statement ng mga spokesperson ni VP.

Mahigpit na ang pangangailangan na sagutin ni Binay ang nasabing mga isyu dahil maging ang Boy Scout of the Philippines (BSP) ay naapektohan na.

Ilan magulang ang nakausap natin at nasabi nila na nahihiya na ang mga anak nila na mag-boy scout dahil sa mga issue kay Binay.

Ginagawa nang laughing stock sa pagbabansag na Boy Sikwat imbes Boy Scout. Alam natin na ang scouting ay fundamentals para sa mga batang lalaki at isang positibong sanayan ng mga bata para sa practical learning at emergency situations.

Kung maging ang BSP ay nadadamay sa eskandalo, palagay natin, kung ayaw man mag-resign ni Binay bilang national president ay kaila-ngan muna niyang magpahinga o mag-leave hangga’t hindi nagkakaroon ng linaw ang eskandalong kanyang kinasasangkutan.

Ang sa atin ay isang constructive suggestion lang naman … ano sa tingin ninyo VP Binay?!

READ MORE:  Editoryal: Maling gawi sa Undas

Babala: “Berdugong” RWM Towing nagbalik na sa Maynila!!!

MAKARAAN ang halos dalawang buwan na nawala ang perhuwis-yong hatak boys ng RWM TOWING sa mga kalsada sa Maynila ay muli na naman palang nagbalik ang demonyong kompanya.

Kaya naman takot at pangamba na naman ang nararamdaman ng mga motorista sa Maynila dahil nakita nilang bumabalagbag at nakahambalang na naman sa kalye nitong Lunes ang mga wrecker ng RWM towing.

Maaga pa lang ay makikitang umiikot na ang buwitre ‘este’ RWM towing na may mga nakapaskel pang MTPB at MTPB accredited signage sa kanilang truck.

Nakapwesto na agad ang RWM towing sa boundary ng Makati at Maynila para roon mag-abang ng mabibiktimang motorista.

Mabuti na lang at walang nakalawit ang mga “berdugo sa kalsada!”

Sonabagan!!!

At dahil nabokya sila sa area na ‘yan ay mabilis pa sa kidlat na lumipat at ginalugad ang Tondo.

Kaagad na pinagsisita ng mga hayok na RWM towing ang mga nakaparadang truck na papasok sa garahe ng North Bay Blvd., Balut, Tondo.

OPLAN PAALALA lang daw ang ginawa sa truck operators bawat garahe nila kasama ang ilang tulisan ‘este’ MTPB personnel ng RWM towing.

Para saan ang Oplan Paalala!? Para sa timbre o tara!?

Anak ng tungaw!!!

Pakiusap naman ng truck operators, OK na sa kanila na magtiis na magbigay ng lingguhang ‘tara’ huwag lang may ‘tara’ na ‘e may hatak pa!

Kaya naman nananawagan tayo sa truck ope-rators, tricycle, motorista at negosyante sa Maynila na humanda na at mag-ingat sa pagbabalik ng lawin ‘este’ RWM towing!

Asahan natin na uulanin na naman tayo ng mga sumbong at reklamo laban sa tirador o legal carnapper na RWM towing?!

Sa isang banda, malaking tulong ang RWM towing kay Vice Mayor Isko Moreno…

READ MORE:  Mag-ingat laban sa mga asuwang ng Parañaque Traffic Management Office (PTMO) ni Yorme Olivarez!

Maraming taga-Maynila ang magagalit sa kanya at tiyak mababawasan ang mga boboto pa sa kanya sa 2016!

Tama ba ako, Yorme Erap!?

 

Libyan na kanselado ang visa ineskortan ng airport police?!

ISANG Libyan national na kanselado na ang tourist visa ang nagpupumilit pumasok sa bansa pero hindi siya pinayagan ng Immigration officials sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3.

Sa ikalawang pagkakataon, hindi pinapasok si Khamil Wessan, 32-anyos na Libyan national, sa bansa dahil kanselado na nga ang kanyang tourist visa. Nangyari ito nakaraang Sabado.

Isang linggo bago ito, naunang dumating sa bansa si Wessan na mayroong tourist visa, pero hindi siya pinayagan pumasok sa bansa dahil wala siyang hotel na pupuntahan o pansamantalang panunuluyan kaya kinansela ang kanyang tourist visa.

Nitong October 11 (Sabado), muling duma- ting si Wessan sa NAIA T-3 lulan ng Emirates Air pero dahil kanselado at expired na ang kanyang visa, hindi ulit siya nakapasok.

Pero nagtataka tayo sa lakas ng loob maggumiit ni Wessan na siya ay papasukin sa bansa dahil mayroon daw siyang pera at siya umano ay maninirahan sa kanyang kaibigan sa Malate, Maynila sa loob ng isang linggo.

Sinabi ni Wessan, siya ay nagtatrabaho sa Coca-cola sa Tripoli pero muli siyang tinanggihan ng mga awtoridad.

Ayon sa Immigration ang kanyang pagpunta sa bansa ay kwestiyonable.

Pero ang nakagugulat dito, si Wessan ay ina-alalayan (escort) ng isang airport police at naki-kiusap pa sa Immigration na pagbigyan ang dayuhan dahil isang linggo lang umano mamamalagi sa bansa.

Pero nabigo ngang makapasok sa bansa si Wessan kahit may escort pa siya.

Ang tanong: sino ‘yung pulis ng airport na kasamang nakikiusap ni Wessan?!

Bakit ganoon na lang ang paggugumiit niya na papasukin sa bansa si Wessan?!

READ MORE:  Tolentino may delicadeza pa ba?

Isang tanong pa: bakit pinasakay ng airline si Wessan gayong wala naman siyang valid visa?!

Aba, malaki ang multa ng airline sa mga ga-nitong kaso.

MIAA SAGM ret. Gen. Vicente Guerzon, nasa iyong kamay na ang pagpapaimbestiga kung sino itong escort airport police!

 

Mga pusakal na ‘tulak’ sa Brgy. 215 zone 20 Solis Tondo (Paging: PDEA)

Sir Jerry, gud am po. Bumalik po aq s lugar ng brgy. 215 zone 20 solis st. Tondo. Ito’y tungkol sa mga tulak ng droga na kung saan nahuli kamakailan ang lider nila DENNIS MATA , MELODY AT ATONG GALIT SA— na si EDCEL (PAWANG MAY MGA PENDING CASE). Lahat sila tila balik sa normal na nagtya-tiange ulit ng SHABU. Wala bang magagawa ang PDEA at NBI dito? Ayon sa IMPORMASYON sakin ng isang opisyal ng barangay, after mahuli ng PULIS NG MPD STATION 7 Abad Santos. E,nakalaya din si EDCEL sa tulong daw ng isang barngay official.may alam kaya si Chairwoman Dolores De Guzman? Ang parating nga sa ‘kin e, malaki raw ang naging CASHunduan kaya wala pang 2 weeks ‘e balik operasyon na ang SHABU TIANGE sa SOLIS. Talagang talamak ang ginagawa nila katunayan may bidyo na tila nakikipagTAWARAN ang SHABU BUYER na hindi kuntento sa BIGAYAN ng ITEM. Samantala Sila DENNIS AT ATONG pareho palang may mga KASO NG HOLDUP AT MURDER kaya talagang KILABOT na sa tondo at si MELODY lumipat lang ng pwesto sa kabilang eskinita.

PAGING PDEA AND NBI PAKISUGPO ANG MGA SALOT NG LIPUNAN IBALIK ANG DEATH PENALTY. CONCERN CITIZEN NG TONDO. sarah——[email protected]


 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved