Saturday , April 20 2024

Matteo, no sex before marriage rin ang ipinaiiral

IN big trial ngayon si Matteo Guidicelli dahil may balitang sa sobrang pagmamahal niya kay Sarah Geronimo ay talagang sinusunod niya ang gustong mangyari nito at mga magulang na walang sex before marriage.

Kung sabagay, hindi natin masisisi ang mga magulang ni Sarah na hindi maging over protective lalo pa’t isang Sarah Geronimo ang kanilang anak na hanggang ngayong ay milyones ang kinikita. Kahit sinong magulang ay gusto nilang birhen ang anak sa pagharap sa altar kaya hanggang maaari ay gagawa sila ng paraan para mailayo ang anak sa temptation ng pakikipagrelasyon.

Kaya naman maraming nanunukso ngayon kay Matteo na malaking dusa ang pinagdaraanan dahil sa kawalan ng sexlife na dapat ito ang kasagsagan dahil bata at full of energy. Pero para sa aktor, buong-puso nitong tinanggap ang pangyayari at hindi itinanggi dahil mas malaki ang paniniwala nito na sa isang relasyon ay kailangan nasa gitna ang Diyos, isang paraan para maging matiwasay ang paroronan ng kanilang relasyon.

Bagkus, ang ginagawa nitong pantapat sa panunukso sa kanya ay mga salita ng Diyos mula sa Biblia, “You can only do sex after marriage.”

Ayon sa aktor, talagang ginagawa nila ang tamang paraan sa pakikipag-relasyon para makamtan nila ang magandang kinabukasan ng pagsasama. Kaya naman, buo ang kanyang loob na igalang ang desisyon ng syota at mga magulang nito.

Goma, kakalbuhin daw si Juliana ‘pag nagpaligaw na
RIOT ang interview portion ni Kris Aquino kina Richard Gomez at Gretchen Barretto sa The Buzz as in, nagsasapawan silang tatlo. Natural, pagsamahin ba naman ang mga ‘talkative’ sa isang segment, magulo talaga ang usapan pero nakaaaliw naman dahil para kang nanonood ng mga magkakaibigang nag-uusap sa sala.

Ibinuking ni Greta na itong si Goma ay hindi makapaniwala na dalaga na ang kanyang 14 years old na si Juliana. Sa isang pictorial ay humarap sa ama ang dalaginding na fully make-up at napa-’Oh My God’ daw ang aktor. Biglang nagbiro naman si Greta ng “Hala ka!” na ang dating sa mga manonood ay magiging pambayad-utang ang anak sa ginawa nito sa girls noon.

Deadma lang ang aktor sa biro ni Greta pero inamin nito na as a father ay istrikto siya. Sitsit pa ng aktres na minsan nag-alburuto ito nang nakitang may nakikipag-usap na guy sa kanyang dalaga. Kaya nang nagharap daw ang mag-ama, pinaalalahanan daw ang anak na huwag muna itong mag-entertain ng manliligaw kundi kakalbuhin siya.

Aniya, “I think she still very young. She’s still 14. So, siguro maganda, focus muna sa school.”

Pagdating naman kay Greta, hindi niya pinagbabawalan ang anak na si Dominique na 19 years old na ngayon. “Hindi bawal sa kanya ang makipag-relasyon. I want her to really enjoy life to the fullest. Siguro, parang pinapabayaan mo, lalong hindi naghahanap. Takot ko lang.”

Inamin nitong istrikto siyang magulang at hindi niya hinahayaan ang anak na lumabas na walang chaperon at palagi siyang may communication dito kung saan man ito naroon. Pero inamin nitong mas istrikto si Tony Boy Cojuangco sa kanilang anak at talagang ipinagdasal ang anak na mapunta sa tamang landas.

Isa pa sa nakaaaliw sa usapan ng tatlong ‘taklesa’ on national TV ay ang pag-amin ni Greta na kaya nagtagal at hanggang ngayon ay nagsasama pa rin sila ni Tony Boy ay dahil ipinagdarasal daw ito ng huli as in, very spiritual ito. Dumating daw sa punto na hindi kayang sitahin ang aktres kaya sabi raw nito ay ipagdasal niya ito. “Nakuha niya ako sa dasal. Kasi nagro-rosaryo si Tony Boy, very spiritual. Sabi niya, ipagdarasal na lang kita. So ngayon, mabait na ako.”

Ganoon din ang nangyari kay Goma, talagang ipinagdasal siya ni Congresswoman Lucy Torres-Gomez. Ito raw ang dahilan noong panahong ‘yun kung bakit palaging mukhang puyat ito dahil ipinagdarasal ang asawa gabi-gabi na magbago ang pag-uugali. ”Natutulog ako, nagising na lang ako dahil naramdaman kong ipinagdarasal ako. Ipine-pray over ako.”
Speaking of Goma and Greta, muling magkasama ang dalawa pagkatapos ng ilang dekada na magkapareha sa Seiko Films noon at ngayon mapapanood sila sa pinipilahang pelikula ng Star Cinema, ang The Trial bilang mag-asawa.

Alex Datu

About hataw tabloid

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *