Saturday , April 20 2024

50 bahay sa Tondo natupok (Bahay ng kongresman nadamay)

102114 FIREUMABOT sa 50 kabahayan ang natupok kabilang ang bahay ni Manila 1st District Congressman Benjamin “Atong” Asilo nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Tondo, Maynila kahapon.

Ayon sa inisyal na ulat ng Manila Fire Bureau, dakong 11:34 a.m. nang nagsimula ang sunog na itinaas sa Task Force Bravo dakong 11:48 a.m.

Sinasabing nagmula ang sunog sa bahay ng isang Efren dela Cruz sa ground floor ng 2 storey building sa 1881 Franco Street, Brgy. 91, sa likurang bahagi ng pamilihang bayan ng Pritil sa Tondo, Maynila.

Dahil gawa sa light materials at dikit-dikit ang mga bahay ay mabilis na kumalat ang apoy.
Dakong 1:30 p.m. nang idineklarang fire out ang nasabing sunog

Iniimbestigahan ng mga awtoridad kung ano ang posibleng sanhi ng insidente.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *