Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Survey: 98.5% pabor ibalik si Mayor Lim

Survey: 98.5% pabor ibalik si Mayor Lim

00 Kalampag percyNGAYON pa lang ay gusto nang sipain ng mga Manileño ang riding-in-tandem nina Erap at Isko na nagpapahirap sa kanila.
Katunyan, noong buwan ng Hulyo, isang kapartidong congressman ng tambalan nina “Ghost Employee at RPT Share Scam” mastermind Vice Mayor Isko Moreno at ng kanyang “president-mayor-daddy” na si ousted president-convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada ang nagbayad ng survey sa Maynila.

Gustong pulsuhan ng naturang congressman ang kanyang tsansa sakaling tumakbo siyang alkalde sa 2016.
Lumitaw sa resulta na 1.5 percent lang ang bilang ng undecided o hanggang ngayon ay hindi pa nakatitiyak kung sino ang iboboto nilang alkalde sa 2016, ayon sa survey.

Ibig sabihin lang, maaga pa ay 98.5 percent na ang nakatitiyak kung sino ang iboboto nila sa 2016 at nagmamadali na silang maibalik si Mayor Lim sa Maynila.

Kahit itanong n’yo pa kay Manila 5th Dist. Rep. Amado Bagatsing!

 

ERAP-ISKO TANDEM WALANG PROYEKTO SA MAYNILA
BAGOT na bagot na raw ang nakararaming bilang ng mga Manileño sa mga kasinungalingan at mala-sindikatong pamamalakad sa Maynila.

At kung sila ang tatanungin, kung maaari nga lang daw, ay ngayon na idaos ang halalan dahil nagsawa na sila sa klase ng pamamalakad ng mga kasalukuyang namumuno na walang inatupag kundi busugin sila ng mga walang kabuluhang slogan sa pamamagitan ng mga propaganda at media.

READ MORE:  ‘Lagayan sa Comelec para sa Partylist’

Sa loob ng mahigit isang taon nga naman sa puwesto, wala pang naipakita at maipagmamalaking nagawa hanggang ngayon ang riding-in-tandem sa Maynila kung programa at proyekto ang pag-uusapan, kahit isa, na tunay na makikinabang ang Manilenyo.
Lahat kasi ng serbisyo ay naipagawa na ni Manila Mayor Alfredo Lim, tulad na lamang ng mga libreng ospital sa anim na distrito ng lungsod.

Wala na ngang programa at nagawang proyekto, isinapribado pa nina Erap at Isko ang mga ospital sa Maynila sa bisa ng City Ordinance 8331 na kanilang ipinasa at ipinatupad, sa tulong ng mga alaga nila sa Konseho na pareho nilang kulay.

 

JUSTICE LEONEN ‘ADVISER’ NI ONG?

UMAPELA sa Korte Suprema para mabigyan ng “second chance” bilang mahistrado ng Sandiganbayan 4th Division si Associate Justice Gregory Ong.

READ MORE:  Isang bukas na liham kay Pangulong Duterte

Hindi nahirapan si Ong na humanap ng depensa sa kanyang motion for reconsideration sa pagsipa sa kanya ng Supreme Court sa puwesto bunsod ng pagkakaabsuwelto kay P10-B pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles sa maanomalyang Marines Kevlar helmet supply case.

Ang ginamit na depensa ni Ong sa kanyang MR ay hinango lamang niya sa mismong concurring decision ni SC Associate Justice Marvic Leonen.

Kaya pala inilabas ni Leonen sa media ang kanyang desisyon ay hindi para banatan ang dalawang mahistrado na miyembro ng Sandiganbayan 4th Division, kundi para ipaalam kay Ong kung ano ang dapat niyang gamiting argumento bilang depensa sa kanyang MR upang mabaligtad ang unang desisyon ng SC laban sa kanya.

 

PIERCING SHOTS . . .

ANG IDOL SINGER NI VP BINAY SA BOC-MICP – Congratulations kay Mr. Joey San Andres, ang butihing hepe ng Bureau of Customs (BOC) Section 5 sa Manila International Container Port (MICP) na paboritong singer pa ni VP Jejomar Binay.
Isa siya sa mga nagdarasal na harinawa’y makabangon si Binay sa politika upang matupad ang kanyang asam na maging susunod na Customs’ Commissioner!
***
SUCCESSFUL BUSINESSMAN – Si Mr. San Andres ay hindi lamang mahusay na singer at dating miyembro ng sikat na banda, isa rin siyang matagumpay na businessman in his own right.
Kahit pa medyo matagal din siyang nabakante sa Customs ay hindi naman nakaapekto ito sa kanyang “lifestyle of the rich and famous” dahil successful at malakas kumita ang kanyang mga naitayong bar sa Metro Manila!
***
VIVIAN VELEZ NAPAHANGA RIN – Gumagawa na rin ng kanyang pangalan ngayon si Mr. San Andres sa larangan ng showbiz at nakapag-release ng sarili niyang CD album, naglalaman ng mga awiting likha ng kilalang composer-songwriter na si Vhenee Saturno.
Kaya naman bukod kay Binay, pati ang veteran actress na tinaguriang “Miss Body Beautiful” na si Ms. Vivian Velez ay hindi lamang napahanga kundi nabighani pa ng kanyang husay sa pag-awit!

READ MORE:  Psychopath ba si B.S. Aquino?

 


 

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])


 

Percy Lapid

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved