Saturday , April 20 2024

Mukha ni Rep. Dan Fernandez nagkalat na sa Sta. Rosa, Laguna

dan fernandez EPALNANG mapadaan ang inyong lingkod sa Sta. Rosa, Laguna nitong nakaraang linggo inakala natin na mayroong bagong pelikula si Dan Fernandez.

Hindi pala, nalimutan ko lang na siya nga pala ang 1st District representative ng Sta. Rosa, Laguna.

‘Yun ang dahilan kung bakit kahit saan tayo mapalingon ‘e mukha ni Rep. Dan Fernandez ang nakikita natin.

Maging sa footbridge, road widening ay naroroon ang mukha ni Rep. Dan Fernandez.

Malupit ka rin Congressman Dan, hindi mo man lang naalalang pasalamatan ang mga taxpayer ng distrito mo?!

Parang sa bulsa mo nanggaling ang ipinagawang infrastructures d’yan lalo ‘yang footbridge na may pagkalaki-laking pangalan mo …

Sa bulsa mo ba galing ang ipinampagawa n’yan!?

Akala natin noong una ‘e progresibo at magiging tunay na kinatawan ng kanyang distrito si Congressman Dan.

Aba ‘e, trapong-trapo rin pala ang diskarte ng isa sa magaling na extra ‘este aktor sa industriya.

Huling termino na raw kasi ni Congressman Dan kaya ibinabando na niya ang kanyang mukha sa lahat ng sulok ng Sta. Rosa dahil tatakbo siyang mayor sa 2016.

Actually sabi nga ng mga nakausap kong taga-distrito ni Cong. Dan ‘e diyan daw siya talaga magaling.

Isalpak ang mukha at pangalan n’ya sa tulay at kalsada daw!?

Wala namang masama sa kanyang intensiyon at katunayan ay hindi naman siya pinagbabawalan ng kanyang mga kababayan.
Pero , maitanong nga natin, ano ba ang nagawa mong significant sa inyong distrito? Meron ba?

Kaya mo bang pantayan ang mga naging proyekto at programa ni Mayora Arlene Arcillas?

Padalhan n’yo naman kami ng significant achievements ninyo para naman maisulat namin at mailabas sa Bulabugin …
Hihintayin namin ‘yan, Congressman Dan Fernandez!

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *