Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / All in na ang gambling at vices sa Parañaque City?!

All in na ang gambling at vices sa Parañaque City?!

00 Bulabugin jerry yap jsyNANINIWALA na akong walang kinatatakutan at talagang untouchable sa kabila pa ng untouchable si alias Joy Rodriguez, ang bigtime jueteng operator sa lungsod ng Parañaque na pinamumunuan ni Mayor Edwin Olivarez.

Nag-umpisa sa Paranaque City hanggang tumawid na sa mga katabing lungsod ang TENGWE ni Joy!
Nalulungkot tayo na ang Parañaque ay tila nagiging isang ‘sin city’ na ngayon…
Mula sa isang asinan, ang Parañaque ay nabantog na siyudad ng mga high-end and exclusive subdivisions at dahil malapit sa premier airport of the country ay umusbong ang iba’t ibang uri ng negosyo kaya naman umunlad ang siyudad.
Pero ano itong nangyayari ngayon sa Parañaque?
Laganap na laganap na ang lotteng, jueteng at video karera. Hindi pa kasama d’yan ang iba’t ibang KTV and entertainment club na pinamumugaran ng iba’t ibang klaseng ilegal na negosyo at prostitution.
Ano na ba talaga ang nagyayari sa lungsod na pinamumunuan ninyo Mayor Edwin “slow motion” Olivarez?!
Aba ‘e hindi nangyari ‘yan noong panahon ni Mayor Jun Bernabe bakit nangyayari sa ilalim ng pamumuno ninyo?!
Pakisagot nga po mayor Olivarez from Laguna ‘este Parañaque!?

Mukha ni Rep. Dan Fernandez nagkalat na sa sta. Rosa, Laguna
NANG mapadaan ang inyong lingkod sa Sta. Rosa, Laguna nitong nakaraang linggo inakala natin na mayroong bagong pelikula si Dan Hernandez.
Hindi pala, nalimutan ko lang na siya nga pala ang 1st District representative ng Sta. Rosa, Laguna.
‘Yun ang dahilan kung bakit kahit saan tayo mapalingon ‘e mukha ni Rep. Dan Hernandez ang nakikita natin.
Maging sa footbridge, road widening ay naroroon ang mukha ni Rep. Dan Hernandez.
Malupit ka rin Congressman Dan, hindi mo man lang naalalang pasalamatan ang mga taxpayer ng distrito mo?!
Parang sa bulsa mo nanggaling ang ipinagawang infrastructures d’yan lalo ‘yang footbridge na may pagkalaki-laking pangalan mo …
Sa bulsa mo ba galing ang ipinampagawa n’yan!?
Akala natin noong una ‘e progresibo at magiging tunay na kinatawan ng kanyang distrito si Congressman Dan.
Aba ‘e, trapong-trapo rin pala ang diskarte ng isa sa magaling na extra ‘este aktor sa industriya.
Huling termino na raw kasi ni Congressman Dan kaya ibinabando na niya ang kanyang mukha sa lahat ng sulok ng Sta. Rosa dahil tatakbo siyang mayor sa 2016.
Actually sabi nga ng mga nakausap kong taga-distrito ni Cong. Dan ‘e diyan daw siya talaga magaling.
Isalpak ang mukha at pangalan n’ya sa tulay at kalsada daw!?
Wala namang masama sa kanyang intensiyon at katunayan ay hindi naman siya pinagbabawalan ng kanyang mga kababayan.
Pero , maitanong nga natin, ano ba ang nagawa mong significant sa inyong distrito? Meron ba?
Kaya mo bang pantayan ang mga naging proyekto at programa ni Mayora Arlene Arcillas?
Padalhan n’yo naman kami ng significant achievements ninyo para naman maisulat namin at mailabas sa Bulabugin …
Hihintayin namin ‘yan, Congressman Dan Hernandez!

Avia International ‘chinese-prosti’ KTV ilang hakbang lang sa National Shrine of St. Therese
MARAMI ang nagtataka kung bakit hindi kayang galawin ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang AVIA International KTV malapit d’yan sa sa national Shrine of St. Therese.
Dinarayo umano ngayon ang nasabing exclusive KTV dahil sa mga Chinese prostitutes na sandamakmak sa nasabing KTV.
Simple lang ang modus operandi.
Darating ang mga Chinese prostitutes sa nasabing KTV na parang mga customer lang. Meron pang kasamang mga escort.
Pero sa totoo lang, pumupunta sila roon para makita na sila ng mga VIP na ‘parokyano’ ng club.
Bihirang-bihira ang hindi nakaaalam n’yan sa nasabing area.
Pero nagtataka tayo na hindi man lang nasisita ng mga awtoridad.
Magkano este ano ang ‘lihim’ ng AVIA International KTV at hindi sila mapasok-pasok ng IACAT?!
Pakibulong na lang nga po.

SG ginulpi ni PO3 Henry Martinez
A GOOD DAY to ur office Sir. Ask ko lamang po kung anung petsa lumalabas ang reklamo ku sa isang pulis-Montalban na me pangalan PO3 Henry Martinez na gumulpi sakin sa police station at nagpakulong sa ‘kin. Kasihan nawa kayo ng Panginoon at mabuhay po kayo. Gumagalang Sg Bermudez na publish po ito mga 4 months ago. +6393032 – – – –

Sa umpisa lang magaling Iskorap (Isko at Erap)
SIRJERRY, pakiparating kay erap at isko, grabe na naman ang dami ng pedicab at tricycle sa tourist belt pa mismo ng ermita at mabini, paano gaganda sa paningin ng turista ang maynila kung ang makikita nla mga kuliglig lng ang transportasyon natin, napagiiwanan na ang Maynila ng mga kapitbahay na lungsod. Hangang umpisa lng kc talaga ang Erap isko papogi +63915610 – – – –

 


 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com


 

 

Jerry Yap

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved