Thursday , November 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / P100-M utang ni Acuzar sa Lungsod ng Maynila; Binay isasalba ni PNoy

P100-M utang ni Acuzar sa Lungsod ng Maynila; Binay isasalba ni PNoy

00 Kalampag percyMASAYA raw naghuntahan sina Pang. Noynoy Aquino at VP Jojo Binay sa Palasyo, ilang oras lamang makaraang isiwalat na si Interior Secretary Mar Roxas ang nasa likod ng pagputok sa publiko ng kuwestiyonable niyang yaman.

Indikasyon na baka walang kahinatnan sa ilalim ng “tuwid na daan” ang nabulgar na sandamakmak na kayamanan na nakamal ng pamilya Binay na ibinulgar sa Senado.

Matapos mayanig ang publiko sa labis na paglago ng yaman ng dating “human rights lawyer” na nagtayo ng political dynasty sa Makati City sa nakalipas na 28 taon, OK lang pala ito sa kabigan niyang si PNoy.

Hindi magandang pangitain ito para kay Roxas na sinasabing mamanukin ng Liberal Party (LP) sa 2016 presidential derby.

Ang secret meeting nina PNoy at Binay kamakalawa ng gabi ay nangangahulugan na buo pa ang kompiyansa ng Pangulo sa paksyon ni Executive Secretary Paquito Ochoa ng Samar Group na siyang nagsulong ng “Noy-Bi” noong 2010 polls, kaysa Balay Group ni Roxas.

Habang si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada ay tila sumisipsip naman kay Roxas at ipinagtanggol laban sa banat ni Binay.

READ MORE:  PAUMANHIN sa masugid na tagasubaybay ng kolum na SIPAT

Ngayon pa lang ay lumutang na ang girian nina Erap at Binay, na parehong inaasinta ang Palasyo sa 2016.

Kung Erap-Roxas ang magkakampi, at kasangga naman ni Binay si PNoy, dapat nang mag-isip ang sambayanang Pilipino sa tsubibo ng Palasyo.

Baka magulat na lang tayo na Mar-Erap vs. Binay-Pnoy ang maglalaban sa 2016.

 

PIERCING SHOTS . . .

SINO SI VICTORY LACSON – Ipinagmamalaki ng “president-mayor-daddy” ni Ghost Employee at RPT Share scam mastermind Vice Mayor Isko Moreno na si Erap ang underpass sa Quiapo na ngayon ay pinangalanan nilang “Victory-Lacson” underpass.

Hindi na pala Arsenio ang first name ng yumaong alkalde ng Maynila noon na si Lacson, hik-hik-hik!

***

PRIBADONG UNDERPASS – Kunwari pa raw na kaya idinugtong ang Victory sa pangalan ni Lacson ay isinunod ito sa pangalan ng pribadong kompanya na nagpaayos ng underpass.

Lokohin n’yo ang Lelong n’yong mandarambong!

***

NEGOSYO IMBES SERBISYO – Ang makasaysayang underpass na kauna-unahang naitayo sa bansa noong 1965 ay proyekto ni Lacson para magsilbing tawiran ng publiko.

READ MORE:  Service provider ipinipilit uli sa QC Police clearance, bakit?

Serbisyo ang kay Lacson, hindi negosyo!

***

MAGKANO ANG CASH-SUNDUAN – Bakit walang banggit ni minsan kung ano ang kondisyones sa pagitan ng Victory Mall at ng masisibang opisyal ng lungsod ng Maynila sa pagpapaganda ng underpass?

Ang gustong malaman ng mga Manileño ay kung MAGKANO at sino ang maikikinabang sa cash-sunduan!

***

ACUZAR PAMATO NI ERAP SA PALASYO – Kung hindi tayo nagkakamali, isang nagngangalang Jerry Acuzar (aka ‘Jerry Putol’) ang negosyanteng nasa likod ng Victory Mall.

Bayaw ni Exec. Sec. Paquito Ochoa, Jr., si Acuzar!

***

KINASUHAN NG OMBUDSMAN – Kamakailan, kinasuhan ng Ombudsman si Acuzar at ilang opisyal ng Professional Regulation Commission (PRC) sa maanomalyang kontrata sa hindi natuloy na pag-upa sana ng nabanggit na tanggapan sa isang gusali na pag-aari ng Victory at bayaw ni Ochoa.

Kilabot ng kontrata!

***

UTANG NA P100-M SA MAYNILA – Si Acuzar din ang may-ari ng kompanyang New San Jose Builders at developer ng mga gusaling condominium na Victoria de Manila.

Aywan natin kung nakapagbayad na si Acuzar sa matagal na niyang utang na mahigit P100-M na ayaw bayaran sa Manila City hall bilang buwis ng Victoria de Malate condominium!

READ MORE:  Ang pananampalatayang Filipino (Huling Bahagi)

***

BORACAY MANSION SI ACUZAR ANG NAGTAYO – Ang San Jose Builders ni Acuzar ang nagtayo ng Boracay Mansion ni Erap sa Quezon City, na kinompiska ng gobyerno kaya matagal nang magkaalyado sina Erap at Acuzar.

Iba ang may pinagsamahan!

***

PUGANTENG BUSINESS PARTNER – Kasosyo rin ni Acuzar sa kanyang negosyo ang dayuhang si Ja Hoon Ku, isang Korean national na wanted sa kasong pagnanakaw ng halagang P200-M sa isang kompanya sa South Korea.

Naudlot ang pagpapatapon ng Bureau of Immigration sa puganteng Koreano kamakailan sa utos ni Ochoa!

***

MAY KASO RIN SA PASAY – Sa pagkakaalam natin, ang nasa likod na may-ari ng Victory Mall sa Lacson underpass ang siya ring ka-kontrata ni Pasay City Mayor Antonino Calixto na hanggang ngayon ay nakademanda pa sa Ombudsman.

Kahit itanong n’yo pa kay “Lan Chao Bin” Tecson!

 

Para sa reklamo, suhestiyon at komentaryo tumawag o mag text sa 09158227400 / Email: [email protected]

 

Percy Lapid

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved