Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Jaime ayaw kay Isko

Jaime ayaw kay Isko

00 BANAT alvinMukhang hindi solido ang mga tao ni President Mayor Erap Estrada kay Isko Moreno.

Ngayon pa lamang kasi ang naghahanap na ng tao ang mga loyalista ni Erap kagaya ni Mang Jaime ng pwede nilang ipantapat kay Isko saka-ling ibigay na ni Erap ang pagka-alkalde ng Maynila sa dating artista.

Sa kasalukuyan ay si Cong. Amado Bagatsing ang target daw ng grupo ni Mang Jaime na itapat kay Isko at ang katotohanan ay nagsisimula na ang negosasyon ng magkabilang panig.

Matindi raw ang pag-ayaw ni Mang Jaime kay Isko dahil mukhang hindi niya kayang pasunurin ang batang Tondo na ito, kaya naman double time ang naturang bata ni Erap, na isa ring negosyante sa pagkumbinsi sa kinatawan ng ika-5 distrito ng Maynila sa Kamara.

Maganda naman daw ang itinatakbo ng usa-pan dahil positibo raw ang pananaw ng mag-kabilang panig kaya’t tiyak na posibleng maging Isko vs Amado ang labanan sa Maynila.

Madalas daw ang labanan nina Isko at Jaime sa transaksyon sa Maynila kaya naman talagang mukhang mahirap pagkasunduin kahit na siguro si Erap ang gumitna.

Sa hindi nakaaalam, batang sarado ni Erap si Jaime at sobra ang laki ng utang na loob ng bawat isa.

Lalo rin daw aktibo ang Kabaka ni Bagatsing sa pagtulong sa tao dahil full support na raw dito si Mang Jaime.

Kasalukuyan naman panay ang panliligaw muli ni Isko sa mga sektor na kanyang inaway dahil sa kanyang kampanya kontra trapik at sagabal sa kalye dahil nararamdaman niyang bumabagsak ang kanyang karisma sa Manileño.

Maging noong labanan daw sa pagka-pa-ngulo ng liga ng barangay sa Maynila ay naglaban sina Isko at Jaime dahil ang tinayaan ng pa-ngalawang punong lungsod ay si Philip Lacuna habang ang naturang bataan ni Erap ay sumuporta sa isang talunang kandidatonsa pagka-konsehal ng lungsod na ngayon ay isa nang punong barangay.

Tiyak na marami pang ang magaganap sa Maynila at iyan ang kaabang-abang dahil posibleng mga bataan din ni Erap ang maglaban-laban.

 

Alvin Feliciano

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved