Saturday , April 20 2024

Roomboy binoga ng 2 holdaper

080314 gun manila

NILALAPATAN ng lunas sa Mary Jhonston Hospital ang isang 16-anyos roomboy makaraan barilin ng dalawang holdaper sa loob ng isang hotel sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Ariel Montemayor, roomboy, stay-in sa Asakuma Hotel Manila sa 1331 Rica Fort Street kanto ng N. Zamora Street, Tondo.

Ayon kay PO3 Rowel Candelario, dakong 4:10 a.m. nang pumasok ang dalawang suspek sa hotel.

Napasigaw ang biktima nang makitang tinututukan ng baril ng suspek ang kanilang kahera at nakatawag ng pansin sa security guard.

Bunsod nito, binaril ng dalawang suspek ang biktima. Habang mabilis na nagresponde ang gwardiya at nakipagpalitan ng putok sa mga suspek.

Nakatakas ang mga suspek ngunit walang nakuhang pera sa kahera. (LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *