Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Not once but thrice!

Not once but thrice!

00 joy to the world ligayaHow great you are, O Sovereign Lord! There is no one like you, and there is no God but you, as we have heard with our own ears. —2 Samuel 7:22

DAPAT lang mga kabarangay, na seryosohin na ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang ikatlong paghahagis ng granada sa harapan ng Presinto Uno (MPD-Stn 1).

Isang malaking sampal ito sa liderato ng bagong upong district director Sr. Supt. Rolando Nana, dahil kung hindi agad mareresolba ang krimen na ito.

Dios Mio, baka ang MPD headquarters na ang isunod!

***

NAUNA na itong hinagisan ng granada noong April 24, na iknawasak ng mga sasakyan ng mga pulis, sumunod ay nito lamang Oktubre 7 at ngayong Oktubre 15 o halos isang Linggo lamang ang pagitan mula nang maganap ang ikalawang paghahagis ng granada

Bago nito ay may naunang hinagisan ng granada ang PCP Don Bosco sa Road 10 na nasa ilalim ng MPD Stn 1 noong Marso 20.

Lahat ng ito ay walang nahuling suspek ang pulisya!

ANYARE SA IMBESTIGASYON?!

TALAGANG hindi malayo maulit ang ganitong pangyayari, dahil walang resulta sa mga naunang imbestigasyon sa paghahagis ng granada.

Malalakas ang loob ng mga salarin, wala ng sinasanto, wala ng kinatatakutan dahil istasyon ng pulisya na ang pinasasabugan.

Susme, malaking kahihiyan ito sa MPD!

***

PERO naniniwala pa rin tayo sa kakayahan ni MPD Director Nana, na malalagpasan niya ang pagsubok na ito sa kanyang liderato, basta ipatupad lamang ang full force of the law laban sa mga responsable sa krimen.

Tugisin niya ang mga kriminal sa lalong madaling panahon. malaking banta ito sa peace and order sa Maynila na karaniwan nagaganap lamang sa mga liblib na lugar sa Mindanao.

Kilos MPD!

WHAT MANILA GO,

THE COUNTRY GOES!

NAGKA-IDEYA rin ang Department of Science and Technology (DOST)sa ginawang programa sa Maynila na magkaroon ng free access sa internet ang publiko.

Kaya naman sa susunod na taon ay may 600 cities and municipalities sa buong bansa ang magkakaroon ng free wireless fidelity o Wifi access.

Sabi nga what Manila go, the country goes!

***

KINUMPIRMA ito mismo ni DOST Secretary Mario Montejo, dahil naglaan na ang ahensya ng P300M pondo para sa naturang proyekto na tinawag na Television White Space (TVWS) Internet technology project.

Katuwang ng DOST ang isang Singaporean company na bubuo ng proyekto. Sa pilot project, napili ang Palo sa Tacloban City, Leyte at Tubigon, Bohol na kapwa tinamaan ng kalamidad ng bagyo at lindol sa mga unang mabibiyaan ng modernong teknolohiya.

Talaga naman the best thing in life is Libre!

“WELCOME BACK SCOTT”

MULING binalikan pala ni VM Isko ang mga dating kapitbahay sa Mabuhay Street, Tundo para magsagawa ng pre-celebration party ng kanyang kaarawan sa darating na Oktubre 24.

Isang munting salo-salo ang isinagawa kasama ang mga dating kasamahan sa pagbabasura, kapitbahay, kababata sa Brgy 44.

Ang tawag pala sa kanya doon ay si Scott!

***

TILA parang reunion ang nangyari, boodle fight na estilo ang inihanda ni VM Isko, naglatag ng mahabang mesa na pinatungan ng dahon at saka inihanda ang mga pagkain.

Sinaluhan si VM Isko ng mahihirap na residente na anila’y hindi nakalimot sa kanila na balikan nito ang pinagmulang lugar. Dito kasi tumira at lumaki si VM Isko mula elementarya hanggang high school hanggang maging Konsehal bago lumipat sa Balut, Tundo..

Tama ang kasabihan, ang hindi lumingon sa pinanggalingan, ay hindi makakarating sa paroroonan! Ayos!

NARITO ang mga sumbong at reklamo na ipinadala sa inyong lingkod ng mga avid readers ng Hataw:

MADILIM NA CARLOS

PALANCA STREET

Chairwoman santos paki-abot naman mensahe ko sa city hall ng mynila, pailawan naman nila ang ilalim ng tulay ng quezon bridge, sa my carlos palanca, napakadilim, naka2takot dumaan,tyak madami ng nabiktima ng holdap sa lugar! Tnx po! —091567331++

SOLVENTS BOYS MARAMI

PA RIN SA BLUMENTRITT,

PAGING MSWD!

Andami prin solvent boys na menor edad sa blumentriit sna po ma-rescue ito ng Manila social welfare, nakakabahala na kc ang pagdami nila lalo na sa may riles ng tren, slmat po! –091732220+++

NAGPAPASALAMAT SA PAGBUBUKAS NG LACSON UNDERPASS

Sna po mapangalagaan ng husto ang lacson underpass, masa2yang lng ang lhat ng ito kapag muling napabayaan, mraming slamat myor erap at vice mayor isko, sa pagbuhay muli ng ningning ng lacson underpass, mabuhay! –Aling Mila ng Quiapo

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes

 

Chairwoman Ligaya V. Santos

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved