Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Prosti spa at club 1602 sa Pasay at Makati City

Prosti spa at club 1602 sa Pasay at Makati City

00 rex target logo

MATINDI ang ipinagmamalaking ‘patong’ ng dalawa sa pinakamalaking putahan sa siyudad ng Pasay.

Mga operatiba o ahente umano ng National Bureau of Investigation-Anti Human Trafficking Division (NBI-ANTHRAD) ang kanilang ipinagmamalaking protector.

Kompleto raw sila ng intelihensiya sa nasabing dibisyon ng NBI linggo-linggo?

Kaya naman pala kukuya-kuyakoy lamang sa kanilang pagkakaupo sina BETH BUGAW at MILES ADIK TOMBOY ng LAPU-LAPU.

Wala umanong media-media sa mga promotor ng kaputahan sa nasabing lungsod. Ang BUENDIA LAPU-LAPU ay nasa panulukan ng Leveriza St., at Gil Puyat Ave., just right across A. Bonifacio Elementary School.

Sa zoning pa lamang, tiyak na bagsak na ang LAPU-LAPU Spa-kol na ang dating business name ay MAGELLAN SAUNA BATH.

Naipasara na ito noong administrasyon ni former Pasay Mayor Peewee Trinidad ngunit muling nakabalik sa opisyo ng prostitusyon at pagbubugaw nang magpalit ng business name at maglagay ng dummy owners.

Paging NBI Director, Atty. Virgilio Mendez sir, paki sampolan naman po ninyo ang mga establisimiyentong ito na direktang ginagamit at ipinagyayabang ang inyong tanggapan.

To see is to believed!

READ MORE:  STL sa Albay at Camarines Sur, pilit na sinisira!

Dapat nating malaman Director Mendez kung may katotohanan sa ipinagyayabang ng operators ng mga putahan na may ilang taga-NBI ang patong daw sa kanila.

Speaking of mga putahan, naririyan po sa HK Plaza sa Macapagal Boulevard ang AMOR KTV na paboritong puntahan ng mga Koreanong kostomer. Ilang menor de edad na GRO po ng KTV ang pinagkakaloob ng sex service sa mga banyagang kostomer.

Ang D C’ZAR Club ng mga bugaw na sina MANNY at MARINO na binibigyang proteksyon ni Nelson YAGBOLS, ang F1 na nasa Roxas Boulevard pa rin na isang gay bar na pag-aari ng isang city councilor ng Pasay.

Pati ang one-stop shop na putahang Bachelor’s Mansion sa Roxas Boulevard ay protektado rin ni Konsehal.

Barangay executive naman ang may-ari ng LION 777 diyan sa EDSA-Philtranco na ang mga taga-PCP 7 naman ng Pasay City PNP ang ipinagmamalaking patong.

May kasunod …ABANGAN!

3 NA HARI NG 1602 SA PASAY

Largado rin pala sa Pasay City ang operasyon ng bookies at lotteng na pinapatakbo ng tatlong hari ng siyudad, sina LEN AGUADO, BOY CORCUERA at BONG JOSE.

READ MORE:  Human rights violations ni Noynoy

Bagamat local ang operation ng tatlong kupal, tanggapan ni CIDG Director Benjie Magalong ang ipinagmamalaking padrino ng dalawa.

Kapustahan umano ng tatlong mago ang isang saradong tao raw ni General Magalong.

Walastik naman talaga pala ang network na intelihensiya ng CIDG sa South Metro Manila, talagang pag timbrado sa kanila, sigurado ang proteksyon.

Pati ang bagong upong Southern Police District (SPD) Director Henry Ranola ay ipinagsisigawang timbrado na sa tatlong hari sa Pasay .

Madako naman tayo sa siyudad ni Colonel Manuel Lucban diyan sa Makati, mistulang red light district na umano ang siyudad ni Mayor Junjun Binay dahil sa presensiya ng mga putahan sa Bautista, Edison, Casino at Emelia na pag-aari umano ng isang retiradong heneral na kilala sa bansag na JOVY.

Kay General Jovy ang mga casa sa CASINO St., at BAUTISTA, kay JOEL CAPOTE naman ang nasa EDISON St., samantala sa magkapatid na ARTHUR (pulis na taga-R2-NCRPO) at Jun ang nasa Emelia.

READ MORE:  Goodbye Aguirre!

Dekada na ang mga putahang ‘yan sa nasabing lugar at walang sino mang opisyal ng pulisya ang nangahas na salakayin ito.

Tinira ito ng NBI ngunit makaraang magkaareglohan, naging ‘patong’ na rin ang mga taga-NBI rito.

Hindi ba?

By the way, isang NBI official din ang pumuputok na patong ng mga club cum putahan sa South Metro dahil sa dalas ng presensiya sa mga night club sa Pasay at Parañaque lalo na doon sa Roxas Boulevard.

Photos don’t lie Mr. NBI official.

Sabi pa nga ng isang batang-batang GRO, pakibayaran n’yo na raw si NBI official Mr. G. ‘yung talent fee (TF) n’ya sa isang JOB na ipinagawa n’yo sa kanya. Bigla na lamang daw po kayong lumayas nang hindi nagbabayad!

Sus ginoo, may ganoon?

Director Virgilio Mendez sir, this info is for your evaluation.

Bahala na po kayo sir!

May kasunod … ABANGAN!

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Mon – Fri 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved