Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Halos wala nang naniniwala sa ‘tuwid na daan’

Halos wala nang naniniwala sa ‘tuwid na daan’

00 pulis joey

TATLO sa sampung Pinoy na lang umano ang naniniwala sa ipinangangalandakang ‘tuwid na daan’ ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ito ang lumabas sa survey ng ‘Pulse Asia’ na ginawa nitong Setyembre 8-15. Pumutok ang mga bagong kontrobersya ng overpriced Makati Parking Building na kinasasangkutan ng pamilya Binay at mga tagong yaman ni PNP Chief Alan Purisima.

Pero para sa akin, ang talagang ikinabagsak ng ratings ni PNoy ang kanilang inimbentong Disbursement Accelaration Program (DAP) na idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema.

Oo, hanggang ngayon ay hindi masabi ng Malakanyang kung saan nila dinala o inilagay na mga proyekto ang P144 billion DAP na galing sa savings ng mga government agency.

Basta ang tanging paliwanag dito ng Malakanyang ay napunta lahat sa kapaki-pakinabang na proyekto ang pera mula sa DAP.

Sa datus ng Department of Budget (DBM), halos lahat ng senador at kongresista ay nabigyan ng pondo mula sa DAP, bukod pa sa regular nilang pork barrel.

Kaya ang hinahanap ngayon ng taong bayan ay ‘nasaan’ ang mga proyekto na pinaglagakan ng kani-kanilang pondo mula sa DAP. Waleh!

READ MORE:  Celebrities na adik at pushers

Tambak ang basura

sa creek sa R. Papa

(Manila) kaya laging baha!

– Mr. Venancio, nung panahon ni Mayor Lim lagi hinahakot ng trak ang basura sa creek sa R. Papa. Pero ngayon wala na, mababaw na creek. Kaya baha agad, grabe na! Kanino po ba dapat ireklamo ang panay baha dito sa R. Papa? Sandali ulan na malakas, baha agad! Dami napeperwisyo, mga naghahanapbuhay at estudyante estranded ng mahabang oras! – 09186180…

Ang dapat maglinis sa creek ay MMDA. Ang problema sa drainage ay sa DPWH. Ang basura sa kalsada ay sa city government. Ang mga ahensyang ito ng gobyerno ang dapat magtulung-tulong para maresolba ang problema sa mga grabeng pagbaha ngayon sa kamaynilaan.

LTO/LTFRB, pulisya manhid

sa naglipanang

kolorum sa Cavite

– Mr. Venancio, manhid at bulag ang LTO/LTFRB at Cavite Police pati na ang local government ng Cavite sa mga kolorum dito sa Imus, Cavite Terminal Plaza na pag-aari ng mga Remulla. Unfair sa aming mga may linya na nagbabayad samantalang itong mga kolorum walang ginastos, kumikita pa! Kanino pa kami hihingi ng tulong kung mismong pulisya at local government dito sa Cavite ay ayaw itong aksiyunan? – Concerned jeepney operator

READ MORE:  Subukan natin ang “subok na”

Re-routing ng commuters

sa Manila City Hall

– Mr. Venancio, akala ko ang mga sasakyan lang ang may re-routing? Dito sa Manila City Hall ay may re-routing ng mga tao papuntang City Hall at SM Manila na pinadadaan ang mga tao sa tiangge. Hayop talaga ang sistemang ito. Kung ganun ang sistemang pinaiiral ng administrasyon ni ISKORAP ay dapat sa loob mismo ng city hall pati hallway ay lagyan ng tiangge. – 0947872….

Kanya-kanyang diskarte lang yan para sila kumita!

Bakit ang tagal ng desisyon

ng Korte Suprema

sa kaso ni Erap?

– Mr. Venancio, dapat si Erap ay ‘di na talaga makatakbo sa kahit anupamang posisyon sa gobyerno katulad ni dating convicted rapist Romeo Jalosjos. Parehas lang naman sila na-convict. Nabigyan lang siya ng pardon ni dating Presidente GMA. Dapat nga sa pagka-mayor ‘di na sya pwede. Pero nagtitiwala parin ako sa ating ginagalang na Korte Suprema na magiging patas sila sa desisyon. Kaya lang bakit napakatagal? Nagtatanong lang po. -09199436…

READ MORE:  Tama si Pope Francis

Sa tingin ko’y hindi matatapos ang 2014 ay bababa ang desisyon ng Korte Suprema. Anuman ang desisyon nito sa disqualification case laban sa convicted plunderer na ex-President ay dapat igalang. Last week namataan ang SUV na service ng Korte Suprema sa Mayor’s gate ng Manila City Hall. Iniskortan pa ng hagad ni Erap nang umalis. Bakit kaya sa likod pa dumaan ang bisita ni Mayor? Kamukha raw ito ni Atty. Te, ang spokesman ng Supreme Court. Hmmm…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved