Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Port congestion huwag isisi sa BoC

Port congestion huwag isisi sa BoC

00 parehas jimmyLAHAT na yata ng kasalanan sa mundo ay ibinintang na sa Bureau of Customs (BoC) na pati ba naman port congestion ay sinasabing dahil sa extortion activities nila.

Pero base sa mga reklamo kong natatanggap, ang ATI at ang PPA ang may talagang kasalanan niyan.

Nakaaawa naman ang Bureau of Customs na lagi na lang nasisisi. Hindi sa ipinagtatanggol ko ang BoC, kapag meron naman nangyayaring katiwalian diyan ay aking pinupuna at ating binabanatan sa espasyong ito kaya, fair naman tayo.

Hinay-hinay lang mga kaibigan…

Customs Commissioner John Sevilla ipagtanggol mo naman ang bahay mo sa mga bumabatikos sa inyo. Sayang naman ang magandang reporma na ipinapatupad mo kung pati kasalanan ng iba ay sa BoC ibabato.

Dapat talaga makipagpulong kayo kay Chairman Enrique Razon sa mga nangyayaring extortion sa brokers at truckers.

Ang port congestion ay hindi sa BoC kundi sa ATI at PPA.

Ang trabaho lang ng Customs ay tingnan at itama ang assessment value ng mga kargamento.

Comm. Sevilla gayahin ninyo at tingnan ang mga trabaho ni Deputy Commissioner for Enforcement Depcom. Ariel Nepomuceno na talagang nagtatrabaho para sa bayan.

Nakita n’yo naman na kapag ang isang tauhan niya ay nagkakamali, heneral man o district commander ay kanyang pinaiimbestigahan at inaaksiyonan agad.

Ang tunay na dahilan at ugat ng port congestion ay nang magpatupad ng bwisit na truck ban si Mayor Erap at VM Isko.

Sila ang dapat murahin at sisihin ng taong bayan!

 

MAY ILANG TULISAN PA RIN SA IMMIGRATION

Bakit hanggang ngayon malalaking kaso ang kinasasangkutan ng ilang banyaga sa Immigration ay parang hindi napagtutuunan ng pansin?

Ayon sa info na ipinarating sa atin, milyones ang involved na areglohan sa mga nakakawalang Koreano, Hapon at Intsik na may mga kaso at nagtatago sa ating bansa.

Ito ang malaking katanungan: Bakit dito sila sa ating bansa nagtatago? Ano ang dahilan? Bakit may nakalulusot sa Immigration?

Dapat talaga silipin ni Justice Secretary Leila De Lima at ipa-lifestyle check sila lalong-lalo na ang mga opisyal ng Immigration na napakagarbo ng pamumuhay at may naglalakihang bahay sa mga first class subdivision, nag-aaral sa mga exclusive na paaralan ang mga anak at napakaraming bank accounts.

Tama ba ako, Mr. Danny Almeda?

Dapat nang maging seryoso si BI Commissioner Fred Mison at balasahin niya ang mga tulisan sa Immigration partikular sa intelligence unit at iba pa.

Hindi ko sinasabi na marumi ang Immigration, marami pa rin matitino diyan na ang weakness lang nila ay pinapatos at minamanyak ang mga OJT at ilang representatives ng travel companies.

‘Yan Mr. Commissioner Mison ang ipa-monitor n’yo!

Give PNP a chance

Dapang-dapa ang IMAHE ng PNP ngayon dahil sa eskandalong kinasasangkutan ni PNP Chief DG Alan Purisima.

In fairness sa PNP, marami rin silang accomplishments kaya dapat lang na hindi mag-suffer ang buong organisasyon.

Marami rin akong kaibigan na mga heneral at mga junior officer na talagang matitino at mga enlisted men, kawawa naman sila kung nadadamay sa issue ni Purisima.

May puso’t damdamin din sila. Malalampasan din ng PNP ang mga aberya ngayon na kinakasangkutan ng ilang tiwaling tauhan ng PNP.

Kaya ang payo natin sa mga kaibigan at kamag-anak sa PNP… tama lang ang barya-barya… huwag lang milyones.

Hehehe!

Always make Jesus the center of your life.

 

Jimmy Salgado

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved