Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Farming-farming ang peg ng retiring/retired politicians

Farming-farming ang peg ng retiring/retired politicians

00 Bulabugin jerry yap jsyONLY in the Philippines lang talaga na kakatwang mag-isip ang mga politiko.

Kung kailan mga nangagsipagretiro saka sinipag na magsipag-farming. Magtayo ng babuyan, manukan, fishpond at magtanim ng kung ano-ano.

‘Yun iba naman ay nagtatayo ng malalaking resort.

Pero hindi lang basta farming sa isang maliit na lote kundi ekta-ektaryang lote o katumbas halos ng maraming barangay o isang baryo.

Eksampol na nga ‘yang si Vice President Jejomar Binay at misis n’yang si Madam Elenita Binay, halos apat na barangay ang katumbas ng kanilang farm sa Sto. Rosario, Batangas.

Si dating Senador Edgardo “Edong” Angara bukod sa farming ay nagtayo rin ng resort sa Baler, Aurora.

Si dating Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na bumili ng lupa at nagtayo ng farm sa Alfonso, Cavite courtesy ‘raw’ of Megastar Sharon Cuneta. Si Sen. Kiko ay advocate naman ngayon ng organic farming.

Gusto natin ang farming lalo na ang organic farming. Sa isang private citizen fulfillment ang tawag o ganyang buhay.

Pero ang ipinagtataka natin, bakit mga politiko ang gumagawa n’yan ngayon?!

Bakit hindi sila nag-farming noong wala pa sila sa politika?!

Mantakin ninyo politiko na humawak ng malalaking pondo, pagkaretiro nakabili ng pagkalalawak na lupain para gawing farm o resort?!

READ MORE:  IDOLE tagumpay ng OFWs kontra pahirap na OEC

Very lucrative ba talagang maging politiko sa Philippines my Philippines?

Now I know, kung bakit malabo ang pag-unlad ng bansa natin na isang agricultural country …

Para kasi sa mga politiko na pinagkatiwalaan nating mamuno sa ating bansa, ang FARMING or AGRICULTURE ay isang retirement habit at hindi isang centrepiece program ng isang pamahalaan.

Ang tanong na lang, saan naman kaya galing ang ipinambili nila ng farm at magarang resort?!

Just asking lang po…

MANILA COUNCIL ORDINANCE NO. 7614 DEPENSA SA PANG-AAGAW NG TERITORYO AT RPT SHARE

SABI ng matatanda huwag remedyohan ang isang mali ng panibagong pagkakamali.

Pero mukhang hindi ito alam ng majority ng Manila City Council.

Matapos sampahan ng kasong plunder ng limang (5) barangay chairman si Vice Mayor Isko Moreno at ang City Council kasama ang Barangay 128 officials e nagkukumahog umanong isinulat ang borador ng Ordinance No. 7614.

Layunin umano ng nasabing ordinansa na i-justify ang ordinansang ginamit ng Konseho para solong maipagkaloob ang real property tax (RPT) shares ng ibang barangay sa Barangay ni Chairman Sigfred Hernane.

READ MORE:  Mahihirap na Pinoy biktima ng korupsiyon

Sa pamamagitan ng Ordinance No. 7614 ‘e dedepensahan ng mga ‘henyong’ konsehal ng Maynila ang ginawa nilang pagmamaniobra umano sa RPT shares.

Gusto yata nilang ipagmayabang sa iba pang local government units (LGUs) ang kanilang ‘kahenyohan’ sa pagmamaniobra dahil isinasangkalang pa nila ang Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sige, aabangan natin kung uubra ang mga kahenyohan ninyo.

Kitang-kita na ngang mali ‘e binabaluktot pa ninyo …

Just don’t forget, moderate your greed!

MIAA SENIOR AGM MGEN VICENTE GUERZON IS THE ACTION MAN OF THE HOUR

ISA sa mga kinabibiliban nating opisyal ngayon sa NAIA ay si Manila International Airport Authority (MIAA) Senior Assistant General Manager, ret. MGen. Vicente Guerzon.

Naniniwala tayo na siya ang tunay na ACTION MAN sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at asset ni MIAA GM Bodet Honrado.

Alam nating masyadong busy si MGen. Guerzon para basahin ang kolum ng isang maliit na kolumnistang gaya natin.

Kung nababasa niya tayo siguro ‘e ‘yung medyo relax na siya.

Kaya naman bumilib tayo kay AGM Guerzon dahil mabilis niyang inaaksiyonan ang mga isyu sa airport na ating naisusulat.

READ MORE:  Gates of Hell na ang Maynila dahil krimen sobrang grabe

At mabilis rin niya tayong sinusulatan para sa kaukulang aksyon ng kanyang tanggapan.

Anyway, gusto rin natin purihin si APD manager ret. Gen. Descanzo sa ginawa niyang imbestigasyon sa naikolum nating mga sari-sari store sa NAIA Runway.

Base sa sulat na ipinadala ni Descanzo, natuklasan nila sa kanilang imbestigasyon na sangkot sa nasabing illegal na aktibidad ang ilang security guards at ilang personnel sa Airport Police Department (APD).

Ayon sa liham ni Gen. Descanzo, “Please be informed that this Office validated said information and confirmed the said illegal activities of the security guards and are now subject of investigation as well as the concerned APD Personnel.”

Natutuwa po tayo dahil sa ginawang imbestigasyon ni S/AGM Guerzon at ni Gen. Descanzo dahil napatunayan nila na totoo ang ating naikolum.

Delikado po kasi ang sari-sari stores na ‘yan dahil Runway Gates po ‘yan at nakaapekto sa seguridad ng buong airport.

Saludo kami sa ‘yo Senior AGM Guerzon!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

 

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved