Saturday , April 20 2024

Untouchable Jueteng ni Joy Rodriguez unang hamon sa bagong PNP-SPD director

 

00 Bulabugin jerry yap jsyKAHIT marami ang naniniwala na ang pagsibak sa apat na district directors ng Philippine National Police (PNP) ay bahagi ng damage control na ginagawa ngayon dahil sa pinsalang inabot sa expose’ ng mga hindi idineklarang yaman ni PNP Chief DG Alan Purisima, gusto pa rin natin bigyan sila ng tinatawag na “benefit of the doubt.”

Pero hindi ba masyadong mabigat para sa kalagayan ngayon ng peace and order sa bansa lalo sa Metro Manila na sibakin ang apat na police district directors nang ganoon lamang?!

Sabi nga, masyado umanong malalim ang rason ng ginawang pagsibak ni Secretary Mar Roxas sa apat.

Kung sumibak ng apat na district director ang DILG secretary hindi ba ito nangangahulugan na dapat na rin niyang sibakin ang kanyang PNP chief!?

Just asking lang po…

Pero ito pa po ang isang katanungan, paano naman kaya haharapin ni C/Supt. Henry S. Rañola, ang bagong District Director ng PNP Southern Police District (SPD) ang namamayagpag na untouchable JUETENG operations ni alias Joy Rodriguez sa South Metro lalo na sa Parañaque City ni Mayor Edwin Olivarez?!

Magpapabukol ‘este lilinisin ba niyang tuluyan ang South Metro laban sa mga ilegal na sugal gaya ng jueteng ni Joy?!

FYI, Gen. Rañola, mahilig nga palang mag-courtesy call si jueteng operator Joy Rodriguez sa mga bagong district director.

Gaya rin siya ng ilang nakilala natin kamakailan na mahilig mag-courtesy call kung kani-kanino …parang tipong ‘OPLAN PAKILALA.’

Itatanong ko lang ulit kung nabisita ka na ba ng grupo o pagador nila?

Nagkasundo na ba kayo? May tumimbre na ho bang bagman sa inyo?

Pakibalitaan na lang ho ako!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *