Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Kaagapay ang barangay laban sa krimen

Kaagapay ang barangay laban sa krimen

00 joy to the world ligayaTrust in the Lord with all your heart and lean not on your own understanding; in all your ways acknowledge him, and he will make your paths straight. —Proverbs 3: 5-6

NAKAKABAHALA na ang sunod-sunod na bomb threat na natatangap ng mga eskwelahan, dahilan ito upang suspendihin ang kanilang klase at pauwiin na lamang ang mga estudyante kahit pa masabi ito ay isang false alarm lamang.

Nitong Sabado, muli na naman sinuspinde ng San Beda College sa Maynila ang pasok sa kanilang eskwelahan matapos makatanggap ng banta na may bomba sa loob ng eskwelahan.

***

KASUNOD naman ito ng pagkakaaresto sa isang checkpoint sa tatlong hinihinalang miyembro ng Rajah Sulaiman group o RSG sa Quezon City kamakailan.

Sinasabing aatekihin ang Metro Manila ng mga pagpapasabog mula sa mga terorista. Kakatakot kaya dapat itong seryosohin ng ating mga awtoridad, isa itong malaking banta sa seguridad ng mga mamamayan.

READ MORE:  Andres Bonifacio (Ikalawang Bahagi)

***

SA panig ng ating mga barangay, dapat maging vigilant sa ating nasasakupan, maging mapagmatyag sa paligid sa mga taong pumapasok sa ating komunidad.

Sa gantong paraan lamang tayo makakatulong sa ating pamahalaan na masugpo ang anumang terorismo na aatake sa atin.

Kaagapay ang barangay laban sa krimen at terorismo!

TULUNGAN NATIN

SI NEWLY-MPD DIRECTOR SR. SUPT. ROLANDO NANA!

MALAKING hamon sa bagong director ng Manila Police District (MPD)ang nangyaring paghahagis (muli) ng granada sa MPD Station 1 sa Capulong St., Tundo, Manila.

Hindi na biro ito mga kabarangay, ikalawang beses na ito nangyari at tila walang takot ang mga gumawa nito sa pulisya.

***

NAGKALAT rin ang iba pang uri ng krimen gaya ng mga holdupers, snatchers, lalo na ang pitas-hikaw gang na nag-ooperate sa Divisoria at Binondo.

Buti na lamang at may CCTVs cameras at nahuli ang mga miyembro ng grupo na ilang beses nang nahuhuli dahil sa pamimitas ng hikaw sa mga pedestrians.

READ MORE:  Saludo sa mga tunay na taliba ng bayan

***

KAYA sa pagkakalulok ni Sr. Supt. Rolando Nana bilang bagong hepe ng Manila’s Finest ay nararapat lamang na bigyan niya ng atensyon na maresolba ang lahat ng ito.

Pero naniniwala naman tayo sa kakayahan ni Sr. Supt. Nana na magagawa niyang ayusin at tapusin ang mga problemang ito at ipagpatuloy ang mga nasimulan reporma ni General Rolando Asuncion sa MPD.

***

OKS sa dating Pangulong Erap at VM Isko ang pagkakatalaga kay Sr. Supt Nana sa MPD. Nag-courtesy call na ang opisyal sa city hall kamakalawa.

Kapag maganda ang relasyon ng city hall at MPD, may katiyakan na tayo na magiging maayos ang pagpapatupad ng peace and order sa Lungsod.

Kaya, tulungan natin si Sr. Supt. Nana!

TUGISIN ANG KAWATAN

READ MORE:  PNP Police Traffic Division, ‘wag maliitin!

NI “PANDESAL BOY”

NAPAKAWALANG puso naman ng nagholdap sa isang bata na naglalako lamang ng pandesal sa Deparo, Caloocan City.

Pati ba naman kakarampot na kinita na P200 ay pinagtiyagaan pa ng kumag na holdaper. Buti pa ang bata ay naghahanapbuhay ng marangal, pero ang walanghiyang holdaper ay pinag-interesan ang pinaghirapang kita ng bata!

Ang laki ng katawan ayaw magtrabaho!

***

TAMA ang panawagan ng magulang ng 10-anyos na bata, makonsenya naman ang gumawang ito sa kanyang anak.

Naghahanapbuhay ang bata upang may pangbaon sa kanyang eskwela at hindi nangmomolestya o nangmamalimos na kagaya ng ibang bata sa lansangan na nagugumon pa sa droga.

Panawagan natin sa Caloocan PNP, tugisin ang kawatan ni pandesal boy!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes

Chairwoman Ligaya V. Santos

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved