Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / VP Binay dapat nang humarap sa Senado

VP Binay dapat nang humarap sa Senado

00 pulis joey

NAGLALABASAN na ang samu’t saring akusasyon ng katiwalian laban kay Vice President Jejomar “Jojo” Binay.

Nangunguna kasi siyang kandidato sa pagka-pangulo sa 2016.

Ang mga akusasyon sa kanya ay nangyari noong siya’y alkalde ng Makati City (1986-1998 at 2001-2010).

Pati ang kanyang misis na si Dra. Elenita, na naging mayor din ng lungsod noong 1998-2001, ay nadamay narin.

Gayundin ang kanyang anak na kasalukuyang alkalde ng Makati City na si Junjun (2010-2014).

Ang “mother of all cases” against Binay ay ang pagpatayo ng limang phase na Makati Parking Building na umano’y sobra sobra ang overpriced – P2.7 bilyon!

Ang nagpaputok nito at nagsampa ng kasong Plunder sa Ombudsman ay ang grupong United Makati Against Corruption (UMAC) na pinamumunuan ng isang Atty. Bondal at negosyanteng si Enciso.

Dahil Vice President ng Pilipinas si Binay at nangungunang kontender na papalit kay PNoy sa 2016, pinagpiyestahan ng media ang pagsampa ng kaso laban sa kanya.

At dahil malaking halaga ang isyu sa kasong isinampa at ito’y taxpayers money ng Makati City government, iniimbestigahan ngayon ng Senate Blue Ribbon Commitee, ang pinakamakapangyarihang komite sa Senado na nag-iimbestiga sa mga katiwalian.

Dito na naglalabasan ngayon ang mga testigo, ebidensya at pagkakabulgar pa sa mga nangyaring katiwalian sa mga government projects ng Makati City.

READ MORE:  Problemang paradahan

Dahilan para bumagsak nang bumagsak ang dati’y halos unbeatable ratings ni VP Binay.

Pero sa kabila nito ay ayaw niya parin humarap sa imbestigasyon ng Senado. Dahil politika lang daw ang lahat. Ginigiba lang sya.

Ang kanyang anak na si Mayor Junjun ay isang beses lang dumalo sa Senate hearing tapos tumanggi na matapos na mabara ng nga Senador ang kanyang mga paliwanag sa overpriced parking building.

Ang AMLAC (Anti-Money Laundering Council) ay nagmo-monirtor narin sa imbestigasyon. Dahil masyadong malaking pera na umano ang envolved sa katiwalian matapos ibunyag ng mga opisyal ng Commission on Audit (CoA) ang daan-daang milyong overpriced sa mga project sa Makati City.

Ang kumikilos ngayon para sa mga Binay ay ang kanilang ‘spin doctors’ o mga ‘PR group’ para makontrol ang damage sa imahe ng Bise Presidente.

Pero ayon sa mga political analyst, walang magagawa ang ‘spin doctors’ ni Binay dahil masyadong malalakas ang bagsak ng akusasyon at matindi ang dating nito sa taong bayan.

Ang pinakamabuti umanong gawin ni VP Binay ay humarap sa Senado at ipaliwanag ng ‘punto por punto’ ang mga isyu laban sa kanya.

READ MORE:  Kaylan tatapusin ang problema sa trapiko?

Oo, ganito talaga dapat ang gawin ni VP Binay. Dahil habang tumatanggi siya sa pagharap sa imbestigasyon, ang taong bayan/botante ay lalong naniniwala na siya nga’y isang korap at ‘di karapat-dapat maging sunod na pangulo ng bansa.

Pumapabor naman ito sa kung sinong makakalaban ni Binay sa 2016 – Mar Roxas o Grace Poe?

Kayo, mga suki, anong damdamin ninyo sa isyung ito kay VP Binay? Txt txt txt…

 

Manny Villar may lusot na!

– Mr. Venancio, ayaw na namin kay Binay. Lalong ayaw namin kay Mar Roxas. Mas gugustuhin namin si Manny Villar ‘pag siya’y kumandidato uli. Ang dapat niyang maka-tandem ay si Sen. Grace Poe. Tiyak ang kanilang panalo. – 09206955…

Oo nga ano? Pero wala na yatang balak si ex-Sen. Manny Villar na bumalik sa politika. Ipinaubaya nya na ito sa kanyang misis (Sen. Cynthia at anak na si Cong. Mark).

 

MTPB nangongolektong para

kay ‘Vice’ sa Ilaya, Divisoria

– Mr. Vice Mayor Isko Moreno, paki-silip lang po ang Ilaya, Divisoria, ginawa na pong terminal ng biyaheng Velasquez-Sangandaan. Kaming may mga negosyo rito ay wala nang madaanan ang aming sasakyan. May basbas ito ng isang kagawad dyan. May mga tauhan mo, MTPB, nangongolekta para raw kay ‘Vice’. Mr. Vice, paki-aksiyunan naman ang reklamong naming ito. Mula ala-una ng tanghali hanggang gabi ang illegal terminal nila dito. – 09052973…

READ MORE:  Anti-poor at anti-Filipino ang ilegalistang si Ramil alias Richard L. (Part 2)

 

Tolentino ng Tagaytay

i-lifestyle check din!

– Ngayong nagkakausuhan ng lifestyle check, sana mapasama sa mga uunahin ang angkang Tolentino ng Tagaytay. Talagang sobrang nagpayaman din sila sa panunungkulan. Sana pag-ukulan ng pansin ang text kong ito para tama at kabutihan. – Art Mendes ng Kaybagal, Tagaytay (09193925779)

 

Barker na isnatser

sa Pasay City

– Nananawagan kami sa Pasay Police at kay Mayor Calixto na aksiyunan naman ang mga abusadong taxi at jeepney barker con snatcher/holaper sa kanto ng Buendia at Taft Avenue. Kawawa ang mga driver at kaming pasahero na nabibiktima ng mga taong ito. Kunwari lang silang nagbabarker pero ang tinitingnan nila ay ang bibiktimahin. Pls. lang mga pulis ng Pasay, aksiyunan nyo ito. – 09206047…

 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

 

Joey Venancio

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved