Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Erap: “Durugin si Binay!”

Erap: “Durugin si Binay!”

00 Kalampag percyHINDI na kailangan pang hulaan kung sino ang natutuwa sa sunod-sunod na kamalasang inaabot ngayon ni Vice President Jejomar Binay.

Damang-dama na ni Binay ang pagguho ng kanyang popularidad at tiwala ng publiko dahil nilalantad ng imbestigasyon sa Senado ang mga anomalya sa Makati City at hindi maipaliwanag niyang yaman.

At sino pa nga ba ang pangunahing lihim na nagagalak at lumulundag sa tuwa kundi ang kanyang itinuturing na kaalyadong si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada, ang “President-Mayor-Daddy” ni Ghost Employee at RPT scam ni Vice Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Ang masaklap at napakasakit “Kuya Eddie” kung nagagawa pang magbasa ni Binay ng diyaryo, makinig ng radyo at manood ng TV hanggang ngayon, siguradong hindi niya maikakaila ang lantarang pagbanat sa kanya ng mga kasapi sa media bureau ni Erap.

Opo! Si Binay ang paboritong pulutanin sa kani-kanilang kolum sa pahayagan at Radio-TV program ng mga kilalang media men na umiidolo sa sentensiyadong mandarambong na si Erap.

Inutusan man o hindi ang kanyang media bureau na banatan si Binay, ang tanging importante kay Erap ay muling mapasakamay ang Malacañang.

READ MORE:  Workers sa Bora pinagloloko ng mga kapitalista

Paniwala siyempre ni Erap, habang nadudurog si Binay ay lumalaki ang kanyang tsansa na makabalik bilang pangulo sa 2016.

Habang pinagpipiyestahan si Binay sa media, umaasa si Erap na maibabangon ang kanyang bulok na imahe bilang kauna-unahan at nag-iisang pangulo ng bansa matapos mapatalsik sa puwesto sa pamamagitan ng Edsa Dos ay hinatulang mabilanggo ng habambuhay sa kasong plunder o pandarambong ng Sandiganbayan.

Ang pagsasawalang-kibo na lang ni Erap sa sitwasyon ni Binay ay malinaw na indikasyon na wala siyang balak na tulungan ito.

Balita pa natin, nagpapaikot ng mga tauhan niya ang kampo ni Erap na nagsasagawa ng survey sa Maynila.

Una, itinatanong kung iboboto ba nila si Binay na presidente sa 2016 sakaling SUSUPORTAHAN ni Erap – imbes na maging tanong ay kung iboboto ba nila si Binay kung TATAKBONG presidente.

At pangalawang tanong sa kanilang survey ay kung iboboto ba nila si Erap sakaling tumakbong presidente sa 2016.

READ MORE:  House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez kinaiinggitan

Halatang isinasangkalan lang si Binay ng kampo ni Erap sa survey na ang talagang layunin ay pulsuhan ang ikalawang tanong, na kung may mga sira-ulo pang boboto sa sentensiyadong mandarambong kapag muling tumakbong presidente sa 2016.

 

LAGLAGAN AT PLANONG

PAGHIHIGANTI SA 2016

ANG pangunahing agenda ni Erap kaya atat na atat na makabalik sa Palasyo, bago malagutan ng hininga, ay maghiganti sa lahat ng may kinalaman sa pagpapatalsik sa kanya noong 2001.

Gusto niya maipakulong at mapalabas na nagsabwatan lang sila para pabagsakin siya at wala talaga siyang ginawang kasalanan.

Pakakasuhan sila ni Erap at ipabibilanggo para palitawing sila pa ang may kasalanan gayong siya ang nambaboy sa gobyerno habang nasa puwesto at napatunayang dinambong niya ang pera ng sambayanan.

Siyempre, ang anak at mga kaalyado ay ipawawalang-sala rin niya.

Naturalmente, hindi niya maisasakatuparan ang maitim na balaking ito kung si Binay ang kanyang susuportahan.

Hindi naman nakatitiyak si Erap na dadamayan siya ni Binay, lalo na’t may pagkakahawig sila ng ugali – ang hindi lumilingon sa pinanggalingan.

READ MORE:  Isang bukas na liham “muli” sa Pangulong Noynoy Aquino

Alam din ni Erap na bilang abogado ay batid ni Binay na hindi na naman talagang uubra pang kumandidato siya sa kahit anong posisyon sa gobyerno dahil isa siyang sentensyadong mandarambong.

Kabisado rin naman ni Binay ang pagiging benggador ni Erap, at alam niyang nagtanim rin sa kanya ng galit nang tanggihan niya ang hirit nitong ibenta ang loteng kinatitirikan ng Central Market.

‘Wag na tayong lumayo sa naging kapalaran nina PR man Bubby Dacer at dating PAGCOR employee Edgar Bentain, parehong nagbulgar sa mga alingasngas ni Erap?

Tanging rule of law lang ang makahahadlang sa masama nilang intensiyon kung mapananagot si Binay sa mga kuwestiyonableng yaman at maipatupad ang habambuhay na diskuwalipikasyon ni Erap sa gobyerno bilang sentensiyadong mandarambong.

Baka sakaling magkaroon ng pag-asa ang mga Pilipino kapag nangyari ito.

 

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

 

 

Percy Lapid

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved