Friday , April 19 2024

Enrique, taga-binyag ng mga baguhan

ni Roldan Castro

101014 Enrique Gil Liza Soberano

TAGA-BINYAG si Enrique Gil ng mga bagong ilo-launch sa mga serye. Pagkatapos siyang ipartner kinaJulia Barretto, Julia Montes, Kathryn Bernardo, ngayon naman ay magsasama sila ni Liza Soberano sa bagong primetime serye na Forevermore?

Okey lang daw kay Quen (tawag kay Enrique) na wala siyang permanent love team dahil mas marami siyang natutuhan.

Ang nakawiwindang lang ay kung minsan ay hindi naiintindihan na pinapartner siya sa iba.

Aminado ang dalawa na crush nila ang isa’t isa. Pero bawal si Liza na ligawan dahil 16 years old pa lang ito.

Pero ngayon lang namin naobserbahan si Enrique na nagsasalita ng may kilig factor sa isang babae.

Halatang may tama ang guwapong young actor kay Liza. Actually, siya nga ang humirit kay Ma’am Malou Santos na magsama ulit sila sa isang project after na makitaan sila ng chemistry sa She’s The One.

Hindi naman naghahanap si Quen ng girlfriend pero agree siya sa posibilidad na ma-develop ni Liza.

Makakasama nina Enrique at Liza sina Sophia Andres, Yves Flores, Kit Thompson, Zoren Legaspi, Lilet, Marissa Delgado, Joey Marquez, at Almira Muhlach. Katuwang ni Direk Cathy Garcia- Molina sa direksiyon ng Forevermore si Ted Boborol.

About hataw tabloid

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Blind Item, Mystery Girl, Actress

Female starlet ‘di makapagpakita kay DOM, ‘tinamaan’ sa foreigner na sinamahan

ni Ed de Leon AY naku, mukhang natauhan na rin ang isang DOM na pinaglololoko lang siya …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai sinuwerte kay Gerald, good provider na  pinakamatagal pang nakarelasyon

HATAWANni Ed de Leon ABA at tumagal na pala ng 10 taon ang pagsasama nina Ai …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *