Friday , April 26 2024

Parañaque Jueteng Queen alias Joy Rodriguez pinagkakatiwalaan ng mga beteranong gambling lord

00 Bulabugin jerry yap jsyISANG Joy Rodriguez umano ang paboritong ‘dummy’ ng mga ‘gambling lord’ ngayon d’yan sa south Metro Manila lalo na area of responsibility (AOR) ni Mayor Edwin Olivarez — ang Parañaque City.

Napakabilis daw kasing napalalawak ni Joy ang operation ng jueteng ni Bolok Santos.

Mabilis na nailatag at mabilis din ang ROI as in return of investments.

Sabi nga, wala raw talo ang JUETENG ni JOY sa Parañaque City.

Kung noong administraston ni dating Mayor Jun Bernabe ay guerrilla ang jueteng operation, si Joy Jueteng, ay iba na ngayon.

Wala nang tatalo sa kanya ngayon kung jueteng ang pag-uusapan! In short, full blast na talaga!

Kahit itanong pa raw sa bagman ni Parañaque PNP COP Kernel Ariel Andrade!?

Nag-umpisa na nakalatag sa Brgy. SAN DIONISIO, isang napakalaking barangay sa siyudad ni Mayor Edwin Olivarez.

Dahil sa magandang performance ni Joy sa larangan ng Jueteng, tumawid na ngayon sa ibang siyudad sa South Metro Manila ang jueteng ops n’ya dahil ginamit siyang front ni jueteng lord Bolok Santos.

By the way, Mayor Edwin Olivarez, totoo bang hindi bababa sa P100 libo kada araw ang kobransa ni Joy Rodriguez d’yan sa siyudad ninyo?!

Palagay ko naman ay ramdam n’yo na ngayon kung paano nakikinabang si alias TATANG ROLLY at DYO-DYO sa P100 libo kobransa kada araw sa jueteng na ‘yan?

Ipinagmamalaki kasi ni Joy Rodriguez, Mayor Olivarez na haping-hapi raw ang mga bagman sa mga hatag niya …

Totoo ba ‘yan idol Mayor Edwin?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *