Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / May sayad si Isko; Manileño, ginagago

May sayad si Isko; Manileño, ginagago

00 Kalampag percyGUSTONG makakuha ng pogi points ni “Ghost employees at RPT shares scam mastermind” Vice Mayor Isko Moreno sa pamamagitan ng tahasang panli-linlang.

Iimbestigahan daw ng Manila City Council ang mga ulat na sinisi-ngil ng mga doctor at health workers sa anim na public hospitals sa Maynila ang mga pas-yenteng residente ng lungsod.

Kung ‘di ba naman may “lamat” ang kukote ni Isko at ng mga alaga niyang Konsuhol, gigisahin daw nila ang mga health workers gayong ipinatutupad lang naman ang ipinasa nilang ordinansa na pagbayarin lahat ang mga pasyente sa Ospital ng Maynila, Ospital ng Sampaloc, Gat Andres Bonifacio Hospital, Jose Abad Santos Hospital, Santa Ana Hospital at Ospital ng Tondo.

Ayon sa Ordinance 8331, P200 ang dapat singilin sa emergency patients, at P100 naman sa mga outpatient.

May bayad din ang mga serbisyo tulad ng ultrasound na halagang mula P300 hanggang P3,000; ang dialysis ay P1,800 per session at bayad na P200 bilang professional fee; P500 per session ang physical therapy at dagdag na P500 professional fee; P60 ang X-ray at dagdag na P40 sa bawat FX-ray film; P270 ang hand X-ray; at ang CT scan naman ay mula P2,500 hanggang P7,000.

READ MORE:  Bagong MPD Director naramdaman ng lungsod

Kung mayroon man dapat imbestigahan sa paniningil sa anim na ospital na dati nama’y libre lahat ang serbisyo sa panahon ni Mayor Alfredo Lim, ito’y dapat ituon kay Isko at sa kanyang mga gagong hindoropot na kasapakat niya sa City Council.

May anomaly sigurong gustong pagtakpan si Isko sa anim na pagamutan kaya gusto ni-yang baligtarin ang mga health workers na nakakaalam nito kaya’t sila pa ngayon ang nais kasuhan.

Ano kaya ang masasabi rito ni dating First Lady at “Senator-Mommy” ni Isko na si Dra. Loi Estrada na ina ni “Kamahalang” Jackie Estrada-Lopez?

Masyado na kasing mabantot sa ‘di lang mabantot si Isko sa mga Manileño kaya nagbabangong-puri at gustong magpabango para sa plano niyang pagtakbo na alkalde sa 2016.

READ MORE:  Cause & effect sa magulong desisyon ng Ombudsman sa Puerto Princesa

Kawawa naman ang mga Manileño, na matapos linlangin ni Isko at ng kanyang “president-mayor-daddy” na si ousted president at convicted plunderer noong 2013 elections, gusto pa yata silang gawing mga luko-luko at sira-ulo.

 

PUGANTENG KOREANO ALAGA NG PALASYO

HINDI malayong maging kuta ng mga dayuhang kriminal ang ating bansa.

Kamakailan inutusan ni Executive Secretary Paquito Ochoa ang Bureau of Immigration (BI) upang huwag ipatupad ang deportation order at pagpapatapon sa isang dayuhang Korean national pabalik sa kanilang bansa.

Si Ja Hoon Ku ay wanted sa kasong pagnanakaw ng halagang P200-M sa isang kompanya sa South Korea.

Ang deportation order laban kay Ja ay base na rin sa kahilingan ng Korean government sa pamamagitan ng kanilang Embassy dito sa bansa.

Si Ja ay kasosyo sa construction business ni Jerry Acuzar (alyas “Putol”), bayaw ni Ochoa.

 

NASAAN ANG 8 PULIS NG MPD SA HULIDAP?

NANAHIMIK na ang isyu ng walong miyembro ng tinaguriang “cops and robbers” unit ng Manila Police District na pinaghahanap dahil sa pangingikil ng P100,000 sa isang Pakistani businessman.

READ MORE:  Comm. Bert Lina at GM Jose Honrado, may pusong makatao

Paki-esplika nga MPD Director Sr. Supt. Rolando Asuncion kung nasaan na sina Senior Insp. Rommel Geneblazo, hepe ng Manila Police District’s (MPD) Anti-Carnapping (Ancar), at kanyang mga tauhan na sina Senior Police Officers 1 Gerrardo Rivera, Michael Dingding, Jay Perturbos, Jonathan Moreno, Rodel Maligon and Police Officers 2 Renato Lachinang at Marvin dela Cruz?

Kung talagang desidido si Asuncion madakip sila, bakit hindi niya kaya subukang magpalabas ng SHOOT-TO-KILL ORDER laban sa walo niyang “hulidap cops”?

Bukod diyan, dapat ay magtakda rin si Asuncion ng reward para sa sinumang makapagtuturo sa kanila upang malutas ang kaso.

Ito ba ang ipinagmamalaking reporma at kam-panya sa MPD laban sa “hoodlums in uniform” ng amo ni Asuncion na si Erap?

 

 

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

 

 

Percy Lapid

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved