Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Maraming salamat MIAA General Manager Jose Angel Honrado

Maraming salamat MIAA General Manager Jose Angel Honrado

00 Bulabugin jerry yap jsyGOOD news: Nakalabas na po sa Makati Medical Center si Airport Police Officer (APO) Nilda Collantes.

‘Yan po ay sa malaking tulong ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Jose Angel Honrado.

Si Ms. Collantes ang APO na aksidenteng natipalok sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 at nabalian ng buto habang papunta sa Pasay City para ipa-inquest ang isang suspek.

Pero dahil nga sa pagkakatipalok, sa ospital idineretso si Ms. Collantes at doon siya inoperahan. Umabot sa P200,000 plus ang kanyang bill.

Maraming procedure ang ginawa kay Collantes, kinapos ang MIAA Health Card ng pasyente na mayroon lamang P50,000 coverage (Value Care Card).

Sa pagkakataong ito, humingi tayo ng tulong at si APO Collantes kay GM Bodet Honrado dahil sa kapos pa rin ang nai-produce ang bill sa ospital.

Hindi naman nabigo si APO Collantes, bukod sa loan na nakuha niya sa kanilang provident fund ‘e nabigyan pa siya ng personal na tulong ni GM Honrado.

Hindi na po natin babanggitin kung magkano pero iisa lang po ang napatunayan natin … naoperahan man si GM Honrado last year ay nanatili pa rin ang soft spot sa kanyang puso lalo na kung pagtulong sa kapwa ang pag-uusapan.

READ MORE:  Laban o bawi sa resolution sa Torre De Manila

‘Yan na raw ang pinakamagandang regalong natanggap ni APO Collantes sa 30 taon pagtatrabaho niya sa NAIA.

Muli, maraming salamat GM Bodet Honrado…Diyos na ang bahalang gumanti sa kabutihang loob ninyo.

Mabuhay ka!

PARAÑAQUE JUETENG QUEEN ALIAS JOY RODRIGUEZ PINAGKAKATIWALAAN NG MGA BETERANONG GAMBLING LORD

ISANG Joy Rodriguez umano ang paboritong ‘dummy’ ng mga ‘gambling lord’ ngayon d’yan sa south Metro Manila lalo na area of responsibility (AOR) ni Mayor Edwin Olivarez — ang Parañaque City.

Napakabilis daw kasing napalalawak ni Joy ang operation ng jueteng ni Bolok Santos.

Mabilis na nailatag at mabilis din ang ROI as in return of investments.

Sabi nga, wala raw talo ang JUETENG ni JOY sa Parañaque City.

Kung noong administraston ni dating Mayor Jun Bernabe ay guerrilla ang jueteng operation, si Joy Jueteng, ay iba na ngayon.

Wala nang tatalo sa kanya ngayon kung jueteng ang pag-uusapan! In short, full blast na talaga!

Kahit itanong pa raw sa bagman ni Parañaque PNP COP Kernel Ariel Andrade!?

Nag-umpisa na nakalatag sa Brgy. SAN DIONISIO, isang napakalaking barangay sa siyudad ni Mayor Edwin Olivarez.

Dahil sa magandang performance ni Joy sa larangan ng Jueteng, tumawid na ngayon sa ibang siyudad sa South Metro Manila ang jueteng ops n’ya dahil ginamit siyang front ni jueteng lord Bolok Santos.

READ MORE:  Traffic sa Metro hindi problema ni DOTC Sec. Joseph Emilio Aguinaldo Abaya (Wala raw namamatay)

By the way, Mayor Edwin Olivarez, totoo bang hindi bababa sa P100 libo kada araw ang kobransa ni Joy Rodriguez d’yan sa siyudad ninyo?!

Palagay ko naman ay ramdam n’yo na ngayon kung paano nakikinabang si alias TATANG ROLLY at DYO-DYO sa P100 libo kobransa kada araw sa jueteng na ‘yan?

Ipinagmamalaki kasi ni Joy Rodriguez, Mayor Olivarez na haping-hapi raw ang mga bagman sa mga hatag niya …

Totoo ba ‘yan idol Mayor Edwin?!

SHABU DEN SA BALUT TONDO, AOR NG MPD PS-1 (ATTENTION: PDEA)

Maraming mga residente sa Balut, Tondo ang nagreklamo sa Bulabugin dahil may isang bahay sa Malaya Extension corner Nepa St., na ginagawang shabuhan (shabu tiange).

Labis na natatakot ang mga magulang sa lugar na ito na baka isang araw, mga anak nila ay matuto at malulong sa shabu.

Ayon sa isang magulang, ipinarating na raw nila ang reklamo sa Barangay 125 zone 10 at sa MPD police station 1 na nakasasakop sa lugar nila pero wala raw ginagawang aksyon ang mga awtoridad.

In short, nganga!

Hindi na nila tuloy malaman kung san sila hihingi ng tulong para matigil ang bentahan ng shabu sa kanilang lugar.

READ MORE:  Joy Rojas jackpot sa PCSO

Isang alyas “E. German Hitler” ang itinuturong kilabot na shabu pusher at may-ari ng isang bahay na ginagawang shabuhan.

Ang matindi pa, may ilang pulis at opisyal ng barangay ang nakikitang labas-pasok umano sa bahay ng ‘tulak ng bato.’

Kaya raw dumarami ang akala mo mga praning na kabataan na wala na sa tamang pag-iisip sa kanilang lugar, dagdag pa ng mga residente.

Vice Mayor Isko Moreno, baka naman pwedeng aksiyonan at paimbestigahan mo ang shabu-den na ito sa dating lugar mo!?

PIYESTA NG SUGAL-LUPA SA NAIC CAVITE

SA BAYAN ng Naic, Cavite, kahit malayo pa ang piyesta ng bayan ay naglatag ng mga sugal na color games, drop balls ang mag-pakner-1602 na sina Marte alias ‘Sinungaling’ at Maricon. Ipinagyayabang pa ng dalawang damuho na binigyan sila ng barangay at mayor’s permit ng local government ng Naic, Cavite para magtayo ng sugalan na ang front ay carnival/perya kuno.

Pakibusisi nga NAIC Mayor JUNIO DUALAN!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

 

 

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved