Saturday , April 20 2024

Masusing imbestigasyon sa PNP-calling card scandal

00 firing line robert roque

LUMIKHA na naman ng eskandalo para sa Philippine National Police (PNP) ang pagkakagamit ng isang sexy model sa calling card ng isang opisyal para hindi mahuli sa traffic violation.

Kapag minamalas nga naman. Naganap ito sa panahon na mainit ang mata ng publiko sa ating mga alagad ng batas dahil sa sunod-sunod na krimen na kinasangkutan ng mga pulis; at isyu ng korupsyon at hindi maipaliwanag na yaman umano ni PNP Director-General Alan Purisima.

Ang kapalpakan ay nabuko nang ipagyabang ng modelong si Alyzza Agustin sa kanyang Facebook page na hindi siya hinuli sa paglabag sa “color-coding” nang dahil sa calling card ni “Boss Alex” na ang tinutukoy ay si Chief Superintendent Alexander Ignacio, Director ng PNP Directorate for Plans.

Isinama rin ni Agustin ang larawan ng calling card na nagpapakita sa pangalan ni Ignacio, puwesto, at logo ng PNP. Sa likod ay may mensaheng “Please assist my EA, Alyzza Agustin” at kasunod nito ay may pirma.

Ang hinala agad ng marami ay babae siya ng heneral. Pinintasan at ginawa itong katawa-tawa sa mga puna sa Internet, tulad ng nagsabi na ang ibig daw sabihin ng EA ay “extrang asawa” imbes “executive assistant.”

Dahil umani ng kontrobersya ang ginawa ni Agustin ay humingi siya ng paumanhin sa kanyang mga kapwa motorista, kay Ignacio at sa kanyang pamilya, at sa buong PNP. Nilinaw rin niya na hindi niya kilala nang personal si Ignacio bago i-deactivate ang kanyang Facebook page.

Tahasang itinanggi rin ni Ignacio na kilala niya si Agustin. Hindi raw niya ito babae o executive assistant, at walang posisyong EA sa kanyang opisina. Pero maraming opisyal ang nagno-note na “Please assist my EA” o “Please assist a member of my staff” sa calling card kahit hindi sa kanila nagtatrabaho ang tao na binigyan, para mapaboran kapag kinailangan.

Mali raw ang impormasyon sa calling card dahil chief superintendent siya na one-star rank at hindi director na two stars ang ranggo. Pero totoo rin naman na may mga dibisyon sa PNP na director ang namumuno kahit na chief superintendent, at halimbawa na rito ang Manila Police District.

Dapat bang isara ang isyu matapos mailabas ang kanya-kanyang panig ng pagtanggi ni Ignacio at pagso-sorry ni Agustin? Ang kultura ng paggamit ng calling card ng opisyal para makalusot o mapaboran ay matagal nang umiiral sa atin.

Hindi raw kilala ni Agustin si Ignacio, pero pinasalamatan niya ito sa una niyang FB post na parang sa opisyal nagmula ang card: “Nahuli na naman ako dahil coding but because of you Boss Alex wala ng huli huli. Thank you so much sa napaka-useful mong card with matching dedication pa.” Hindi rin nilinaw ng modelo kung kanino niya nakuha ang card na ginamit.

Kailangan masusing imbestigahan dahil kung hindi iyon nanggaling kay Ignacio, baka may grupong gumagawa ng pekeng calling cards na gamit ang pangalan ng mga opisyal para sa personal na kapakinabangan. Baka isipin ng iba na pulis pa rin ang nasa likod ng raket na ito.

Hindi labag sa batas ang pagbibigay ng calling card. Pero kung gagamitin ito para mabigyan ng pabor o makaiwas sa aresto, o kaya ay pineke ito, ay ibang usapan na. Baka pati kriminal ay nakalulusot sa huli nang dahil dito.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *