Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / BoC at PPA ang sisihin sa port congestion

BoC at PPA ang sisihin sa port congestion

00 joy to the world ligaya

Trust in the Lord forever, for the Lord, the Lord is the Rock Eternal. —Isaiah 26:4

HINDI na pala dapat isisi sa ManIla City Governmentkung bakit nakararanas pa rin ng port congestion sa Aduana (North at South Harbour)

Nasa pamunuan na ng Bureau of Customs (BoC) at Philippine Ports Authority (PPA) ang ‘bola’ dahil naalis na ang truck ban at maari nang makalabas ang mga truck/container van sa Maynila.

Pero ‘yun pala iniipit ito ng dalawang ahensya!

***

ABA, katakot-takot na penalty fees daw ang ipinapataw ng BoC at PPA sa truckers bago palabasin sa port area, kaya nabinbin ang pag-aalis sa libo-libong container vans sa Aduana.

Ibig sabihin, sila ang dapat sisihin kung bakit naririyan pa ang container vans (mahigit 60,000 pa ang nasa loob)dahil mismong ang BoC at PPA ang pumipigil kapag hindi nagbabayad ng port fees ang mga truck operators na triple na raw ang halaga na sinisingil sa kanila.

Dios Mio naman!

***

ITO ang dahilan kung bakit nababalam mailabas ang maraming produkto para sana ngayong Kapaskuhan sa mga pamilihan, dahil natetengga lamang sa Aduana.

READ MORE:  Investment scam kaya bang sugpuin?

Susme, kaya pala wala akong makain na imported na mansanas at kastanyas nasa Aduana lang pala!

Well buti na lang diet ang Mommy n’yo ngayon, stop na sa mga buffet! Ehek!

PASADO ANG MPD

AT TRAFFIC UNIT

SA “BAR EXAM”

I-CONGRATULATE muna natin ang ating mga awtoridad sa maayos na takbo ng bar examination nitong Linggo Oktubre 5.

Dahil naging matiwasay ang buong paligid ngUniversity of Santo Tomas (UST) sa España, maayos at maganda ang daloy ng mga sasakyan, walang kaguluhan naganap kompara sa mga nagdaang bar exams noon (na nagkaroon pa ng paghahagis ng granada sa De La Salle University sa Taft Avenue).

***

MAGANDA ang ginawang koordinasyon at preparasyon niMPD Director Rolando Asuncion at Manila Traffic chief Major Olive Sagaysay sa pamunuan ng UST at gayundin ng Manila City hall sa paghahanda sa apat na Linggo bar exams ng mga estudyante sa nasabing unibersidad.

Mahigit 6,000 estudyante mula sa iba’t ibang eskwelahan ang kumuha ng pagsusullit, sila ang mga nagnanais na makapasa bilang abogado at matawag bilang: Attorney at law!

READ MORE:  House Bill 2923 and 5312

PUMASA NAMAN KAYA

SI LOLO BIENVENIDO

HILARIO SA BAR?

NAKATUTUWA rin makita na ang isang 88-anyos na Lolo ay hindi sumuko sa kanyang pangarap na maging abogado, at sa ikatlong pagkakataon muling nagsulit siBienvenido Hilario ng bar exam.

Si Lolo Bienvenido ang itinuturing na pinakamatandang bar examinee sa kasaysayan. Sana makapasa si Lolo!

Pero pinatunayan lamang ni Lolo Bienvenido na habang may buhay may pag-asa!

***

ISANG malaking inspirasyon si Lolo Bienvenido sa mga kabataan dahil ipinapakita niya ang kahalagahan ng edukasyon, na wala sa edad o katayuan sa buhay ang pag-aaral, ang mahalaga ay may dedikasyon at pagpupursige na makamit ang pangarap.

Maging positibo lamang sa buhay, ang kapalit naman nito ay kaginhawahan sa kinabukasan.

T’yaga, t’yaga lang pag may time!

NARITO ang mga ipinadalang mensahe ng ating mgatexters sa nakaraan nating kolum sa pahayagang Hataw,D’yario ng Bayan:

READ MORE:  Kapag may trouble sa mga mall; Business premises first before human safety, motto ng mga sekyu ‘yan?!

NAGPAPASALAMAT

KAY GEN, ASUNCION

Umaksyon na rin po c gen. asuncion sa panawagan ninyo paigtingin ang police visibility sa lansangan, dami ng pulis na nagche-chekpoint at mobile cars na umiikot sa gabi, slamat general! –0932884821+++

MARUMI SA AVENIDA RIZAL

Napakarumi po ng avenida rizal, bukod sa basura, nagkalat ang mga prosti, ang pangit po tngnan paabot nyo po itong sumbong ko kina erap at isko, chairman santos thanks!— Gina ng Sta Cruz

 

MACRO SOLUTION

SA FLOODINGS SA METRO

Gud am chairwoman ligaya! dpat po tlga pagtuunan pancin ng ating pamahalaan ang flooding problems sa metro manila, macro approach ang kailangan gawin solusyon, ibig sabihin, hindi lamang sa paglilinis ng mga kanal o drainage kundi gmwa ng sistematikong solusyon gaya ng pagtatayo ng mga bagong dam na siyang magsisilbing catch basin sa lahat ng tubig mula kamaynilaan –09324355+++

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes

 

Chairwoman Ligaya V. Santos

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved