Categories: Opinion

Smear campaign ng gambling lords vs PNP Chief DG Alan Purisima ang misdeclared SALN? wee … hindi nga?

Share

ITO ngayon ang kumakalat sa hanay ng maliliit na pulis.

Ang senate investigation umano kay PNP chief DG Alan Purisima dahil sa kanyang misdeclared Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ay smear campaign na inilalarga ng gambling lords?!

Wee … hindi nga?

Aba kung totoo ‘yan, aba e grabe naman ‘yang gambling lords na ‘yan?!

E sa buong panahon yata ng mga operasyon nila ‘e sa termino ni DG Purisima lang nila naranasan ang napakaluwag na operasyon ng iba’t ibang klase ng sugal ultimo sugal-lupa.

Nariyan ang STL-Jueteng, bookies, video karera at ultimo perya-sugalan ay namamayagpag kahit saang sulok ng bansa ka man pumunta.

‘Yan pa ba ‘yung sinasabing tinatrabaho nbg gambling lords si DG Purisima?!

Itanong nga ninyo kina alyas Pineda, Bolok, Joy at Bongaling kung talagang pinahirapan sila ni Purisima kaya nagsusulong sila ngayon ng smear campaign?!

E baka bigla pang sumagt ‘yang mga ‘yan ng … “Tell that to the Marines!”

NAIA ANTI-TRAFFICKING TASK FORCE IACAT BUWAGIN NA!?

NAKARAANG linggo nagpatawag ng meeting si MIAA Senior Assistant General Manager ret. M/Gen. Vicente Guerzon, Jr., at sinabon daw nang todo ang NAIA Anti-Trafficking Task Force na pinamumunuan ni APO Bing Jose.

Ito ay dahil sa mga report at reklamo sa kanyang opisina na hindi nagagampanan mabuti ng NAIA-IACAT ang kanilang trabaho.

Pero mukhang lalo lang uminit ang ulo ni Senior AGM Guerzon sa kanyang natuklasan.

Matapos daw kasing mabisto ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga may fake NAIA airport pass na ginagamit sa pagpapalusot ng pasahero na may fake immigration stamp at sa libo-libong huli at turn over ng Immigration at MIAA enforcement sa NAIA-IACAT ‘e walang nangyari sa mga kaso dahil pinakakawalan lang daw ng task force o hindi nasasampahan ng kaso.

Aray ko!

Ano ang ibig sabihin n’yan!?

Hindi naiintindihan ng NAIA Anti-Human Trafficking Task Force ang trabaho nila o tinatamad sila?

Ako mismo ay saksi sa isang insidente na may nahuling human trafficker sa isang airport terminal na tinanggihan ng NAIA-IACAT na ma-turn over sa kanila dahil may sakit ang suspect at ipagagamot daw muna at baka sa kamay pa raw nila mamatay.

SONABAGAN!

‘E para ano pa at nandiyan kayo sa task force kung takot naman pala kayong gawin ang trabaho n’yo!

SOJ Leila de Lima, dapat na sigurong maimbentaryo ang mga kaso o turn over sa NAIA-IACAT para malaman natin kung mas marami ba ang pinakawalan o kinasuhan nila!?

POKPOKAN CLUB PARANG KABUTE SUMULPOT SA AOR NG MPD STA CRUZ! (ATTN: PNP CIDG-WACCO)

MARAMING residente sa Sta. Cruz Manila ang nagulat sa mga nagsulputang instant VIDEOKE BAR cum POKPOKAN club sa nasasakupan ng Manila Police District (MPD) Sta. Cruz Station (PS3).

Sabi ng ilang mga ‘POSTE’ ng mga antigong club sa Avenida Rizal, mahina na raw ang kita ng mga bar at club mula Carriedo hanggang Recto St., kaya’t nagsipagtayo ng bagong prosti-club na malapit sa residential at quickie motel.

Halos magkakatabi ang mga instant videoke bar na nagbibigay umano ng extra-sex-service sa mga parokyano na mahilig sa laman ng “daisy” (minors).

Ang mga ito ay AMBISYOSO, M2M, KING AND QUEEN, RAFFSTAR at ang sikat na PRINSESA videokiki ‘este’ videoke bar.

Nagtataka ang mga residente sa lugar na ito kung paano nabigyan ng permit ng city hall ang mga ganitong klaseng prosti-front videoke club sa kanilang lugar?

Magkano ‘este’ anong permit ang hawak nila, Mr. City Administrator Simeon Garcia!?

Iinom ang isang costumer sa halagang P90-180 consumable two bottles ng alak at pulutan na mani at may libreng nood ng mga bebot na sumasayaw nang burlesk. May main attraction pa na minors na pinasasayaw rin nang malaswa?!

At ang kasunod ay table-table at hipo-hipo sa mga bebot hanggang alukin na ng quickie-sex sa isang tagong cubicle nila!

Pwede rin i-take-out ang mga bebot sa mga kalapit naman na quickie-sex motel na gaya ng CATCH-INN, AJ STAR at mga no names na MOTEL sa halagang P160-220 ay makapagpaparaos na ang mga manyakol.

Hindi rin nalalayo sa ganitong kamalasadohan ang isang club na sakop naman ng MPD PS-7 na ang pangalan ay KAINAN CLUB na sa 2nd floor ay may kuwarto rin para sa quickie sex.

Yorme Erap, ganito na ba katalamak ang sex trafficking sa Maynila!?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

 

 

COMMENTS
hataw tabloid

Published by
hataw tabloid

Recent Posts

Kris, na-inspire kay Ellen DeGeneres

NA-INSPIRE si Kris Aquino sa American TV host na si Ellen Degeneres sa ginagawa nitong pamimigay ng regalo sa 12 days of Christmas Giveaways sa programa… Read More

2 hours ago

Martin at Gary, inisnab ng audience; Vice at Coco, tinilian, pinagkaguluhan

NALUNGKOT kami para kina Martin Nievera at Gary Valenciano dahil nang una silang tawagin para sa production number nila sa nakaraang Family is Love:  The… Read More

2 hours ago

Vice Ganda tiwala sa kanyang MMFF entry na “Fantastica”

MAS tripleng nakatatawa raw ang MMFF entry ngayong taon ni Vice Ganda na “Fantastica,” produced pa rin siyempre ng Star… Read More

2 hours ago

Dovie San Andres, gustong makasama sa movie ang idol at kaibigang si Rez Cortez

TOUCHED ang controversial personality sa social media na si Dovie San Andres at hanggang ngayon ay nakasuporta sa kaniya ang… Read More

2 hours ago

Filmmaker Direk Reyno Oposa, lalagari sa paggawa ng movie ngayong 2019

NEXT year, 2019 ay mas magiging in-demand si Direk Reyno Oposa sa paggawa ng pelikula at lalong na-inspired ang Toronto… Read More

2 hours ago

Coco at Maine, di puwedeng i-link dahil magkamag-anak

HINDI bagay na i-link sina Maine Mendoza at Coco Martin, dahil magkamag-anak pala ang dalawa sa bida ng pelikulang ‘Jack… Read More

3 hours ago