Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Pokpokan club parang kabute sumulpot sa AoR ng MPD Sta Cruz! (Attn: PNP CIDG-WACCO)

Pokpokan club parang kabute sumulpot sa AoR ng MPD Sta Cruz! (Attn: PNP CIDG-WACCO)

00 Bulabugin jerry yap jsyMARAMING residente sa Sta. Cruz Manila ang nagulat sa mga nagsulputang instant VIDEOKE BAR cum POKPOKAN club sa nasasakupan ng Manila Police District (MPD) Sta. Cruz Station (PS3).

Sabi ng ilang mga ‘POSTE’ ng mga antigong club sa Avenida Rizal, mahina na raw ang kita ng mga bar at club mula Carriedo hanggang Recto St., kaya’t nagsipagtayo ng bagong prosti-club na malapit sa residential at quickie motel.

Halos magkakatabi ang mga instant videoke bar na nagbibigay umano ng extra-sex-service sa mga parokyano na mahilig sa laman ng “daisy” (minors).

READ MORE:  MIAA employees walang Christmas Party, pero may pambili ng Milyong X’mas decor

Ang mga ito ay AMBISYOSO, M2M, KING AND QUEEN, RAFFSTAR at ang sikat na PRINSESA videokiki ‘este’ videoke bar.

Nagtataka ang mga residente sa lugar na ito kung paano nabigyan ng permit ng city hall ang mga ganitong klaseng prosti-front videoke club sa kanilang lugar?

Magkano ‘este’ anong permit ang hawak nila, Mr. City Administrator Simeon Garcia!?

Iinom ang isang costumer sa halagang P90-180 consumable two bottles ng alak at pulutan na mani at may libreng nood ng mga bebot na sumasayaw nang burlesk. May main attraction pa na minors na pinasasayaw rin nang malaswa?!

READ MORE:  German fixer i-ban na agad sa Immigration!

At ang kasunod ay table-table at hipo-hipo sa mga bebot hanggang alukin na ng quickie-sex sa isang tagong cubicle nila!

Pwede rin i-take-out ang mga bebot sa mga kalapit naman na quickie-sex motel na gaya ng CATCH-INN, AJ STAR at mga no names na MOTEL sa halagang P160-220 ay makapagpaparaos na ang mga manyakol.

READ MORE:  National ID System dapat nang ipatupad

Hindi rin nalalayo sa ganitong kamalasadohan ang isang club na sakop naman ng MPD PS-7 na ang pangalan ay KAINAN CLUB na sa 2nd floor ay may kuwarto rin para sa quickie sex.

Yorme Erap, ganito na ba katalamak ang sex trafficking sa Maynila!?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

 

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved