Categories: Opinion

Justice Gregory Ong: “Hoodlum in robe”

KAKAIBA ang katahimikan ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada sa pagsibak ng Korte Suprema sa kanyang protégé sa Sandiganbayan na si Associate Justice Gregory Ong dahil sa katiwalian.

Ang pagsipa kay Ong sa judiciary ay sampal sa mukha ni Erap dahil siya ang nagluklok dito sa Sandiganbayan noong 1998 at may kampanya pa siya kontra-hoodlums in robes bilang anti-crime czar bilang Presidential Anti-Crime Commission (PACC) chairman noong dekada ’90.

Wala namang nagulat nang sibakin si Ong ng Supreme Court, inaasahan naman ng lahat na hindi magtatalaga ng matinong tao sa hudikatura ang isang sentensiyadong mandarambong.

 

GIGIL NA GIGIL SI LEONEN

KAY JUSTICE GREGORY ONG

GUSTONG paimbestigahan ni SC Associate Justice Mario Victor Leonen ang mga kasama ni Ong sa Sandiganbayan 4th Division na nag-absuwelto kay Janet Lim-Napoles sa maanomalyang Kevlar helmet supply case.

Masyado aniyang garapal ang mga iregularidad sa nasabing kaso kaya dapat ukilkilin ang partispasyon nina Justices Jose Hernandez at Cristina Cornejo.

Wala namang masama sa plano ni Leonen, pero hindi kaya dapat din siyang magsuspetsa sa limang kapwa niya mahistrado sa Korte Suprema na bumoto laban sa pagsibak kay Ong?

Kung duda niya ay namantikaan ni Napoles ang mga nguso ng tropa ni Ong sa SB 4th Division, hindi kaya possible rin na naambunan ang limang mahistrado ng Korte Suprema para iabsuwelto ito?

 

MA’AM ARLENE PROBE SUPER CONFIDENTIAL

MAY mga nagtatanong kung bakit napakasigasig ni Leonen sa kaso ni Ong pero ang kaso ng BFF ni Manila Vice Mayor Isko Moreno na si Arlene Lerma Angeles a.k.a. Ma’am Arlene ay gusto niyang maging super confidential.

Bakit kaya hindi isinama ni Leonen sa pagsisiyasat ang iba pang mga koneksyon din ni Ma’am Arlene sa hudikatura gayong napaulat na kahit saang sulok ng Pilipinas ay may kontak ito?

Sakali kayang totoo na ibinasura ng Ombudsman ang mahigit P400-M ghost employees scam case laban kay Isko Moreno, ipabubusisi din kaya ito ni Leonen?

Payag din ba si Leonen na ipaimbestiga ang sarili pati na ang umano’y pagpunta ni SC Spokesman Theodore Te sa bahay ni Erap sa San Juan City noong Sept. 14, kapag ibinasura ang kasong disqualification laban sa napatalsik na pangulo na siya ang nakatokang mag-ponente?

 

ASTANG DRUGLOD SI “AHON PONGA”

GUSTO na namang umepal ng isang nagpapanggap na “media” kay Erap ng isang may alyas na “Ahon Ponga.”

Desperadong magkaroon ng proteksyon si Ahon sa kanyang mga illegal na negosyo kaya naghahasik ng kasinungalingan para mapabilib si Erap.

Iginagawa ng black propaganda ang inyong lingkod at ginagamit na instrumento para makapagpalakas kay Erap, dahil alam niyang kritiko tayo ng sentensiyadong mandarambong.

Aba’y sa gulang ni Erap, isang tingin pa lang niya kay Ahon ay alam na niya kung anong klaseng negosyo mayroon ito.

Ang tao na sangkot sa pagbebenta ng illegal drugs ay napapaligiran ng mga unipormado at armadong bodyguard, magmay-ari ng magagarang sasakyan at bahay, para magmukhang lehitimo ang kanyang negosyo.

Lahat ng katangiang nabanggit ay taglay ni Ahon, at hindi ng isang lehitimong media man.

Ang totoong media man o mamamahayag ay libel ang alam nating kaso, hindi tulad ni Po-nga na tadtad ng MALICIOUS MISCHIEF, ORAL DEFAMATION, PHYSICAL INJURY, ALARM AND SCANDAL at iba pang gawaing kriminal.

Kaya naman mukha siyang gago na pinagtawanan lang ng mga nakatanggap ng kanyang paninira sa text at ng mga nakarinig na ipangalandakan niya sa Manila City Hall kamakailan na ang inyong lingkod daw at isang lady barangay chairman ang nagpapakalat ng illegal na droga sa Maynila.

Mukhang naligaw si Ponga dahil imbes sa PDEA at ISAFP magpaliwanag, sa Manila City Hall siya nangumpisal.

Hindi po ba, Manong Bebot?

 

Para sa reklamo, suhestiyon at komentaryo tumawag o mag text sa 09158227400 / Email: lapidfire_14@yahoo.com

 

Percy Lapid

 

COMMENTS
hataw tabloid

Share
Published by
hataw tabloid

Recent Posts

MOA at MOC ikinasa ng PRRC

HIGIT pang pinagtibay ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ang kanilang pangakong maibalik ang dating kagandahan ng Ilog Pasig matapos…

8 hours ago

Racasa sasabak sa World Cadet chess

MAGTUTUNGO ang country’s youngest Woman Fide Master (WFM) Antonella Berthe Murillo Racasa sa Europa na magtatangka para ma-improve ang kanyang…

9 hours ago

Bebot nagbigti sa Las Piñas

WINAKASAN ng isang 25-anyos babae ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa Las Piñas City, kahapon ng umaga. Sa…

9 hours ago

Nat’l budget bubusisiin bago ipasa — Nograles

BUBUSISIN ang panu­kalang P3.7 trilyong bud­get para sa taong 2019 bago ipasa sa pangatlo at huling pagdinig. Ayon kay Davao…

9 hours ago

Magulang sinaksak ng anak

KRITIKAL ang kalaga­yan sa pagamutan ng isang mag-asawa maka­raan saksakin ng kanilang anak na lalaki na sina­sabing may diperensiya sa…

9 hours ago

Pateros vice mayor inireklamo ni misis sa pananakit

DAHIL umano sa pro­blema sa pamilya, naga­wang saktan ng bise-alkalde ang kanyang misis sa loob ng kanilang bahay sa munisipalidad…

9 hours ago