Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / DPWH bilisan nyo ang mga pinaghuhukay nyo!

DPWH bilisan nyo ang mga pinaghuhukay nyo!

00 pulis joey

ISA sa mga dahilan kung bakit nagkakabuhul-buhol na naman ang trapik sa Maynila ay dahil sa mga kaliwa’t kanang hukay ng Department of Public Works and Highways.

Ang bilis nilang magbungkal pero ang tagal mag-ayos ng binungkal!

Tingnan nyo ang ginawa nila dito sa Port Area Manila, mula Anda Circle hanggang paanan ng Delpan Bridge (kabilaan). Sinimulan nilang hukayin ang kalsada noong Semana Santa pa. Pero ang natapos lang nila ay kalahati lang ng kalsada. Tapos iniwanan na ang kalahati na puro lubak ngayon. Gayundin ang ginawa nila sa tawid ng main office ng DPWH. Sinemento ang kalahati at iniwang lubak-lubak ang kalahati!

Dito sa Binondo going to Sta. Cruz to Quiapo ay bumigat ang trapik dahil sa hindi pa nga tapos yung ibang bahagi ay naghukay na naman sa ibang lugar, sa Plaza Moraga, Binondo.

Hindi tayo kontra sa ginagawang ito ng DPWH na pag-improve o pag-upgrade sa ating mga kalsada at drainage. Gusto nga natin yan. Pero sana naman, mga Sir!, ay gawin ninyo ng 24-oras laluna ‘pag Sabado at Linggo para mapadali at hindi magdurusa sa trapik kaming motorista at commuters!

READ MORE:  House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez kinaiinggitan

Puwede po ba, DPWH Sec. “Babes” Singson???

Sako na ang lagayan ng nakulimbat ng mga holdaper

– Mag-ingat sa mga tao na may bitbit na sako pagsakay ng jeep laluna sa gabi. Dahil ito na ang style ngayon ng mga holdaper. Kapag nagdeklara sila ng holdap, lahat ng bag at iba pang gamit ng biktima ay dun sa sako inilalagay. Para nga naman ‘di halata mga bag ang naholdap nila. Kaya kapag may napansin kayong pasakay ng jeep na may dala-dalang sako, magsibabaan o maging alisto na kayo dahil baka ito’y holdaper. – Juan ng Tondo

Totoo ito. Ang tawag dito ng mga pulis ay ‘Sako Gang’.

Binabahang kalsada sa ilalim

ng Delpan going to MICT

READ MORE:  Sino ba si “Jenny Munar” sa ilang opisyal ng BoC?

– Sir Joey, isa po ako dumadaan dito sa ilalim ng Delpan (sa may Delpan Sports Complex) kung papunta ka ng Parola at MICT. Binabaha na baku-bako pa daanan. Paki-bulabog lang po ying tserman namin dito. Huwag nyong ilantad ang numero ko. – Concerned citizen

Hindi po sa barangay chairman ang sisi nyan, kundi sa DPWH o MMDA dahil yan ay national road. Paging Babes Singson, aksyon!

Malaki ang iniluwag ng Road

10 nang mawala ang truck ban

– Mr. Venancio, araw-araw po ako bumibili ng Police Files TONITE. Oo, malaki ang pagkakaiba ng trapik sa Manila ngayon keysa may truck ban pa. Kasi ngayon napakaluwag ng Road 10 at Delpan to South Harbor. Dati alang galawan ang trapik. At dati Navotas Traffic magdamag po nag-asiste sa trapik. Ngayon ala na po. Kaya laking pasasalamat ng Navotas Traffic enforcers na naalis po pakana nina Isko at Erap na e-one lane para dami sila mareker ‘pag may mag-overtake at pagkakakitaan nila. Ang dapat nilang tuunan ng pansin ay yung basura mula Road 10 hanggang Delpan na sobrang dami po. Number 2 ay yung mga isnatser na jumper na naglilipana sa Capulong stoplight at Moriones hanggang South Harbor. Di nila kayang aksiyunan kasi hindi sila kumikita dyan, di ba? Panahon ni Lim ala po yung jumper na yan at isnatser. At ang number 3 po yung mga tirador ng wire ng sasakyan dyan sa kahabaan ng Road 10. Kawawa kaming mga driver kasi mahuhuli kami, kasi wala nang ilaw mga truck at tail light. Yan dapat aksiyunan nila Erap at Isko. Hindi po yung mga truck ang pinagdidiskitahan nila. – 09196427…

READ MORE:  May integridad na mga tauhan kailangan ng BOC

 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

 

Joey Venancio

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved