Friday , April 19 2024

Pulis-Pasay na Video Karera operator lusot sa PNP generals

00 Bulabugin jerry yap jsyMARAMI ang nagpapatanong kung bakit kalat na kalat ngayon ang video karera sa area of responsibility (AOR) ng Pasay City Police Community Precinct (PCP) 2.

Malakas ang bulungan na isang alias PO3 J. dela Torre ang may kinalaman sa talamak na latagan ng video karera sa Pasay PCP 2 AOR.

Matikas na ipinagyayabang nitong si alias Dela Torre na siya ang ‘nagpapakain sa headquarters’ kaya hindi pwedeng maantala ang operasyon ng kanyang mga video karera.

Grabe na ang hinaing ng mga magulang sa bisinidad na ‘yan ng Pasay City dahil marami nang kabataan ang nalululong sa video karera.

Pasay chief of police, Supt. Melchor ‘Batman’ Reyes, Southern Police District (SPD) Director, C/Supt. Jose Erwin Villacorte at NCRPO chief, Gen. Carmelo Valmoria, police officer 3 pa lang ‘yang humahamon ‘ata sa kakayahan ninyo.

Dinudungisan na teritoryo ninyo ‘e pinalalabas pang ‘PALAMON’ niya ang Pasay PNP headquarters.

Aba ‘e bakit umuubra sa inyo ang ganitong pangangatuwiran ni Dela Torre?!

Pakisagot na nga po, mga matitikas na GENERAL.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *