Sunday , October 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Ginang todas sa tandem

Ginang todas sa tandem

072814 gun

AGAD binawian ng buhay ang isang ginang makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Marilao, Bulacan.

Tinamaan ng apat na bala sa katawan ang biktimang si Angelita Pascual, 46, residente ng Estrella Homes, Brgy. Patubig, sa naturang bayan.

READ MORE:  4 DEU police ng Antipolo tiklo sa P50K extortion

Batay sa ulat, pasado 7 p.m. habang naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay sa nabanggit na subdivision galing sa pagsimba sa Divine Mercy Church, nang sundan ng nakamotorsiklong mga suspek.

READ MORE:  6 pugante, jail guard patay 158 preso nakapuga (Cotabato jail inatake ng MILF)

Pagkaraan ay biglang bumunot ng baril ang isa sa mga suspek at apat beses na pinaputukan ang biktima.

READ MORE:  P400-M ninakaw ng ATM fraud syndicates

Sinisilip ng pulisya kung ang negosyong pautang ang motibo sa pagpaslang sa biktima. (MICKA BAUTISTA/

DAISY MEDINA)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved