Friday , April 19 2024

Sunshine, masaya sa pagiging single parent

072514 sunshine cruz

ni Ed de Leon

NATUTUWA kami sa ipinakikitang outlook sa buhay ng aktres na si Sunshine Cruz. Magka-chat kami noong isang madaling araw. Napakahabang chat iyon. At nagkukuwento nga siya sa amin kung gaano kasaya ang kanyang buhay ngayon na wala siyang iniisip kundi ang magtrabaho at ang kanyang mga anak. Talagang ang trabaho ni Sunshine ngayon halos walang pahinga, pero masaya siya dahil sinasabi nga niyang para naman iyon sa kanyang mga anak. Ang buhay kasi ni Sunshine ngayon ay halos single parent sa tatlo niyang anak.

Liwanagin natin ha, ang sinabi namin, halos single parent siya sa kanyang mga anak.

Ipinagmamalaki ni Sunshine ang kanyang mga anak, dahil matatalino ang mga bata. Marami nga raw nakukuhang honors ang mga iyon mula sa kanilang eskuwelahan. Ang mas nakapagpapasaya kay Sunshine, malambing daw sa kanya ang kanyang mga anak at happy na sila sa kanilang sitwasyon kahit na sabihing medyo hirap, medyo hindi nila nakukuha ang buhay na kagaya ng dati. Pero dahil kasama nila ang kanilang ina, happy na rin sila.

About hataw tabloid

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Blind Item, Mystery Girl, Actress

Female starlet ‘di makapagpakita kay DOM, ‘tinamaan’ sa foreigner na sinamahan

ni Ed de Leon AY naku, mukhang natauhan na rin ang isang DOM na pinaglololoko lang siya …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai sinuwerte kay Gerald, good provider na  pinakamatagal pang nakarelasyon

HATAWANni Ed de Leon ABA at tumagal na pala ng 10 taon ang pagsasama nina Ai …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *