Thursday , April 18 2024

Centralized radio monitoring ng mga Bookies operator sa Maynila

00 Bulabugin jerry yap jsySA KABILA ng ‘timbrado’ na sa lahat ang mga ilegalistang operator ng Horse racing Bookies na may kasamang EZ2 at Bol-alai ay maingat at handa pa rin sila sa anumang HULIHAN cum PITSAAN activity ng ilang tulis ‘este’ pulis lalo na sa MPD!?

Kahit daw kasi ‘timbrado’ e binuburaot pa rin sila ng mga bagman from nowhere.

Kaya naman nakaisip sila ng bagong gimik sa pamamagitan umano ng isang CENTRALIZED RADIO FREQUENCY gaya nina 1602 operator BAGMAN COP PAKNOY, “TONTON” MARANAN, ABANG SIMBULAN at PRINCE PASYA.

Hindi rin magpapahuli ang mga LESPU na mayroong kanya-kanyang butas ng bookies at VK gaya nina ZALDY na siyang tagapukol ng isang BUTAS kung saan may kalaban (PULIS).

Automatic na-monitor agad ng lahat ng mga bookies operator sa Maynila!

Isa kasi sa iniiyakan ng mga gambling lord sa ‘tara’ ang matalas na tropa ng code name GENBOB at sina DAGUL BONSAI at POT-RES ROBLES.

O ayan Gen. Rolando Asuncion, dagdag-info na naman sa inyo ‘yan!

Baka kasi may ‘nakalulusot’ pa sa inyo!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *