Friday , April 19 2024

Baha sa San Miguel isinisi sa Bulo Dam

091614 Flood baha san miguel bulacan

BINAHA ang 18 barangay ng San Miguel, Bulacan bunsod ng pag-ulan dulot ng Bagyong Luis kamakalawa.

Isinisi ng mga residente ng San Miguel ang pagbaha sa rekonstruksiyon ng Bulo Dam na ayon sa mga opisyal ay pipigil sa rumaragasang tubig mula sa kabundukan sa panahon ng tag-ulan.

Kabilang sa mga binaha ang mga barangay ng Bagong Silang, Bantog, Bardias, Baritan, Batasang Bata, Batasang Matanda, Buga, Cambio, Ilog Bulo, King Kabayo, Lambakin, Maligaya, Mandile, Pinambaran, Pulong Duhat, Sacdalan, Salacot at Sta. Lucia.

Sa nabanggit na mga barangay, ang King Kabayo ang matinding naapektohan na umabot hanggang baywang ang baha.

Ayon sa mga residente ng Brgy. Salacot, sa tanang buhay nila ay ngayon lamang sila nakaranas nang ganito katinding pagbaha sa kanilang lugar.

(MICKA BAUTISTA)

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *