Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Isko et al inasunto ng Plunder (Sa kinamkam na P77-M barangay RPT shares)

Isko et al inasunto ng Plunder (Sa kinamkam na P77-M barangay RPT shares)

 091014 isko plunder rpt share
Ipinakikita sa Media mula (kaliwa) nina Chairman William Ypon Bgy 101 Chairwoman Elenita Reyes Bgy 105 Cahirman Dominador Caccam Bgy 107 Chairman Eduardo Solis Bgy 116 Kagawad Valentin Vinas, Chairman Tito Calderon Jr, Bgy 106 ang kanilang inihain na demanda na Plunder Case na trush fund na P77 Million pesos sa Office of the Ombudsman laban sa Manila Council at Barangay 128, Zone 10, Tondo Manila sa Agham Road Office of the Ombudsman (Kuha ni Ramon Estabaya)

KINASUHAN ng plunder si Manila City Vice Mayor Francisco “Isko” Moreno, mga konsehal ng Maynila, iba pang city officials at mga opisyal ng limang barangay sa lungsod, kaugnay ng P77-mil-yon barangay RPT shares sa Office of the Ombudsman sa Quezon City kahapon.

Ang reklamo ay opis-yal na inihain ng mga barangay chairman na sina William B. Ypon, chairman ng Brgy. 101, Zone 8, District 1; Elenita G. Reyes, chairman ng Brgy. 105, Zone 8; Tito M. Caldoza, Jr., chairman ng Brgy. 106; Dominador P. Caccam, chairman ng Brgy. 107, Zone 9, at Edu-ardo M. Solis, chairman ng Brgy. 116, Zone 9.

READ MORE:  7 anyos bata nahulog sa manhole nalunod

Bukod kay Isko, kinasuhan din ang mga sina-bing nagsabwatan sa pagmamanipula sa ilegal na pagpapalabas ng P77,742,000 sa pamama-gitan ng isang resolution nina Councilor Marlo Lacson, majority leader ng City Council at may akda ng Resolution No. 154, councilor, president pro-Tempore at acting presi-ding officer ng city council.

Kasama rin sa kinasuhan si Atty. Simeon Garcia, city administration, sinasabing nag-apruba para sa nasabing halaga at pumirma sa tseke; Atty. Edward Serapio, secretary to the mayor, signatory para sa disbursement voucher para sa pagbabayad sa nasa-bing halaga; Liberty Toledo, city treasurer, pumirma rin sa tseke; Rosario Planas, city accountant, nagrekomenda para sa approval ng halaga; Ma-ria Pamela Manzano, city budget officer, na nagsertipika para sa availability ng P77, 742,040 imbes P25, 349521.17.

READ MORE:  IRR sa tax exemption sa mataas na bonus inilabas

Kinasuhan din ang mga opisyal ng Barangay 128, Zone 10, na sina Siegred B. Hernane, chairman ng Brgy. 128, at mga kagawad niyang sina Albin Salamat, Ricky Hernane, William Depano, Jesus Dela Cruz, Marcelino Reyes, at Ricardo dela Cruz.

Ilan din “Peter Does” at “Mary Does,” na mga opisyal ng City Administrator’s Office, Office the Secretary of the Mayor, City Treasurer’s Office, City Accountant’s Office, City Budget Office at iba pang tanggapan sa Manila City Hall, kabilang ang Department of Assessment at Manila Barangay Bureau na naging bahagi sa proseso, pagrekomenda at pag-aproba sa payment ng nabanggit na ha-laga na tinanggap ng mga kinasohan ng plunder.

READ MORE:  ‘Mangkukulam’ itinumba sa ComVal

Ayon sa mga nagreklamo, noong Oktubre 8, 2013, sinertipikahan ni Manzano ang Brgy. 128 ni Chairman Gernale na may pondong P25, 349,521.17 bilang porsiyento ng barangay mula sa real property tax.

Ngunit ayon sa mga complainant, walang karapatan ang Brgy. 128 sa nasabing halaga dahil hindi nasasakupan ng Brgy. 128 ang pinagmulan ng nasabing buwis.

Anang grupo ng mga nareklamo, ang pinagbasehang teritoryo para sa RPT ay teritoryo ng kani-kanilang barangay kaya walang karapatan ang Brgy. 128 sa RPT shares.

Ibinunyag ng grupo na bukod sa nagkaroon ng ilegal na paglilipat sa pondo mula sa grupo nina Ypon, napunta sa kampo ni Hernane, nagkaroon din ng anomalya sa naturang halaga.

Mula sa orihinal na P25 milyon ito ay ginawang P77 milyon.

(ALMAR DANGUILAN)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved