Friday , April 19 2024

Dra. Belo, itinangging tinanggal si Ruffa bilang endorser ng Belo Medical

090814 Ruffa Gutierrez belo

00 fact sheet reggeeSOBRANG desperada na ba talaga ang mga nagbebenta ng produkto sa online dahil ini-edit nila ang litrato ng mga endorser ng ibang produkto at saka ikakabit ang ibinebentang produkto?

Isa sa biktima ay si Ruffa Gutierrez na nakatawag pansin na naka-post sa social media noong Sabado na may nakalagay na, ‘Vicki Belo fired Ruffa Gutierrez from her Brand Ambassador position after she told Women’s Health the real reason behind her weight loss.’

At naka-quote pa si Ruffa ng,  ”I know I’m not supposed to say this since I endorse Belo’s weight loss treatment. But I only really started to lose weight when I started using the Garcinia Cambogia Diet. Belo’s treatment barely made a difference in my weight.”

Kung sakaling totoo ito ay puwedeng maharap si Ruffa sa usaping legal lalo’t may kontrata siya sa Belo Medical Group.

Kaagad naming kinuha ang panig ni Dra. Vicky Belo tungkol dito sa naka-post sa social media.

“Regs, it’s not true.  It’s just something someone made up to sell their products. Ruffa is still very much a Belo endorser.  In fact, she has a billboard on Edsa for us now,” mensahe sa amin ng may-ari ng Belo Medical Group.

Tinanong namin kung may planong aksiyon na gagawin si Dra. Belo rito dahil apektado ang kanyang negosyo at reputasyon, pero hindi interesado ang sikat na doktora, “no, I’m really not making it pansin because it’s not worth my energy,” sabi sa amin.

ni Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *