Friday , March 29 2024

Pitchaan at bukolan sa BI-NAIA T-2

00 Bulabugin jerry yap jsySA administrasyon ni Immigration Comm. Fred Mison, ay lubhang naghihigpit ang hanay ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) laban sa mga unruly, undesirable at blacklisted foreign nationals pero may ilan pa rin palang opisyal ang sumasalikwat at dumidiskarte ng pagkakaperahan diyan sa NAIA T-2.

Batay sa sumbong ng ilang IO sa NAIA Terminal 2, mahigit one week na ang nakararaan, may tatlong Chinese nationals ang dumating sa bansa mula sa Xiamen, China.

Isa sa tatlong banyagang pasahero ay nagkamali ng daan habang magpapa-clear sa Immigration arrival zone. Instead of queuing fronting the arrival counter ay napadpad sa exit/entrance sa gawing kanan ng mga authorized personnel.

So, ang nangyari, lumagpas ang pasaherong rich Chinese businessman sa Immigration Arrival Counter.

Samantala ang dalawang kasama na medyo nahuli ay napasunod sa pila para sa kaukulang clearing process kung kaya’t natatakan.

Pero ang ‘di alam ng naligaw na rich Chinese passenger, may mga matang nakamasid sa kanya kung kaya’t ‘kinalawit’ siya.

Nadamay na rin ang dalawang kasamahan niya bagama’t nakapagpa-clear na umano sa mga awtoridad.

Ang unintentional violation ng mayamang Intsik ay nagresulta para ma-isyuhan ng “Exclusion Order” at isinama na rin umano ang dalawang kababayan nito na pawang mga bagong salta lamang sa bansa.

Napag-alaman na susunduin pala ng hotel representative ang tatlong Chinese passengers at na-late lamang dahil sa matinding trapiko patungong airport.

Nang malaman na mga “Bigtime Casino Gambler” pala ang mga Chinese, biglang naging interesado ang isang BI Immigration Supervisor na ‘tulungan’ at pag-usapan na lang ang sinapit ng 3 pasahero.

Nakiusap daw ang hotel rep sa on-duty BI Supervisor, hanggang magsimulang buksan ang kanilang negosasyon para ‘piyansahan’ ang mga turistang Intsik!?

‘Ibinato’ naman ng hotel rep ang problema sa “handler” nito at sa ‘concerned authorities’ na nagpatuloy ng transaksiyon.

Pero bago pinakawalan ng Immigration ‘Bisor ang hotel rep ay ‘humirit’ pa muna ng P8k para pambili umano ng Pancit “for the boys.”

What the fact!?

Totoo kaya na nagtapos umano ang usapan sa P50K per head para makapasok na ng bansa ang tatlong Chinese passengers at ibasura ang ipinalabas na Exclusion Order?

Aba’y wala palang imposible kapag ang usapan ay may money involved?

Kahit pa naka-24 oras na raw ang tatlong Intsik sa Holding Lounge ng BI-NAIA T2?

Kaya ang tanong ngayon sa NAIA T2 Immigration Zone: sino-sino ang nabukulan at kumita sa isyung ito?

Naitimbre kaya kay alias P’wet ang pitchaan na ito!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *