Tuesday , March 19 2024

AoR ng MPD-PS-5 namumunini sa Bookies ni Koyang! (Paging Gen. Carmelo Valmoria)

00 Bulabugin jerry yap jsyAKALA natin sikat lang bilang TOURIST DESTINATION ang area of responsibility ng Manila Police District Ermita Station (PS5).

Supposedly, ang MPD-PS-5 ang ‘peacekeepers’ sa Paco, Ermita, Intramuros at Port Area.

‘Yan ang mga lugar na nasa ilalim ng kanilang responsibilidad para panatilihin ang peace and order.

Pero mukhang kakaibang klase ng ‘order’ ang ipinatutupad ng estasyon na pinamumunuan ni P/Supt. Romeo Macapaz.

Order of illegal gambling gaya ng BOOKIES na mahigpit na sinusubaybayn ng isang beteranong bagman na si alias SPO2-10 CALOYSKI ng PS-5.

Kaya naman pala hindi nag-i-effort ang PS-5 na patigilin ang operasyon ng BOOKIES ng maintainer na si Koyang d’yan sa harap ng Philippine National Red Cross sa Port Area.

Hindi lang sa Port Area.

Sa kabuuan ng hurisdiksiyon ng SINGKO, hindi bababa sa 50 butas ang pwesto ni Koyang sa Paco, San Andres at Pandacan.

Kaya hindi umano nakapagtataka kung bakit mahigpit ang monitoring na ginagawa ni SPO2-10 Caloyski.

Hindi lang BOOKIES, namamayagpag din ang video karera sa Baseco at San Andres na hawak ng mag-asawang Gina at Romy Gutierrez.

Hindi na tayo nagtataka kung bakit TALAMAK ang holdapan sa AOR ng MPD PS5.

Doon kasi sila nakatanghod sa mga 1602 na pinababantayan ni SPO2-10 Caloyski.

O kaya naman doon sila nagtatambakan sa Finance Road at sa Round Table para iimbudo ang mga sinisita nilang naka-matorosiklo na nagiging dahilan din ng grabeng traffic obstruction.

Aba, KERNEL MACAPAZ, alam mo ba talaga alam kung ano ang pinaggagawa ng mga pulis mo?!

Hindi ko alam kung nabubukulan ka ba o kasama ka na rin sa nagkakaalaman?!

Aba’y pinagtatawanan na kayo ng mga holdaper diyan sa tapat mismo ng City Hall!

UMAKSIYON ka naman Kernel Macapaz!

NAGBAGO ANG IHIP NG HANGIN

ISA pa sa mga ikinagulat natin nitong mga nakaraang araw ang biglang pagbabago ng ihip ng hangin.

Mula sa masugid na pagsudsod ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III sa mga pork barrel plunderer na Senador at iba pang mga mambabatas, nagulat tayo ngayon kung bakit mukhang sa Palasyo magtatapos ang istorya ng pork barrel.

Bigla kasing pumutok ang isyu ng Disbursement Acceleration Program (DAP) — ang sinasabing pork barrel ni PNoy.

Kaya nitong million march anniversary, ito ang binitbit na isyu ng mga militante para patalsikin umano si PNoy.

Nagkaroon pa ng signature campaign para patalsikin si Pangulong Noynoy. Maging si Lipa Archbishop Arguelles ay nakilahok sa panawagan na pababain sa pwesto si PNoy.

What the fact!?

Teka, inirerespeto natin ang paghahayag ng damdamin mga militanteng grupo, pero hinay-hinay mga kapatid. (Hindi ba ang mga kinatawan n’yo ay gumamit rin ng pork barrel fund?)

Mayroon bang ebidensiya laban kay PNoy sa mga iniaakusa sa kanya?

Wala ‘di ba?

‘Yung mga Senador na nakakulong ngayon sa Crame, ‘yan ang may ebidensiya. At kombinsido ang sambayanan sa mga ebidensiyang ‘yan.

Pero kay PNoy, may ebidensiya na ba?

Esep-esep din po kapag may time…

SINO ANG MAGWAWAGING BAGONG BAGMAN NG MPD-ONSE!?

Malakas ang bulungan ngayon sa MPD HQ, kung sino ang matikas na magwawagi bilang bagong ENCARGADO/BAGMAN ng MPD STATION 11.

Ito ay makaraang sibakin sa pwesto ang isang Kernel FRANCISCO at ang ipinalit ay isang Kernel rin mula sa NCRPO-PIO.

Ilang hepe na rin ang nagpapalit-palit sa PRESINTO ONSE na isang very juicy post sa MPD pero hindi nawala sa kamay ng isang alias TATA BONG CRUS ang pangkabuhayan kolek-tong showcase sa nasabing AOR.

Ngayon isa na namang kernel ang pumasok na hepe ng ONSE sa katauhan ni Supt. ROBERTO DOMINGO na dati na rin napwesto sa ilang juicy PCP sa Maynila.

Ang bwenas mo naman Sir!

Kaya naman inaabangan ng mga pulis-Maynila kung patuloy pa rin na hahawakan ni bagman BONG CRUS ang ‘parating’ sa ONSE.

Baka raw masilat at masulot siya ng mga tuta ‘este bata na mas malapit kay KERNEL DOMENG gaya ng kumpare nilang si alias TATA CLYDE, PIO o si PAPA.

Kunsabagay, hindi na raw kailangan ni Kernel Domeng ang lalim at serbisyo ni bagman BONG CRUS sa kolektong dahil kapado na niya ang kalakaran at tarahan sa AOR ng PS-11?

Dati palang deputado ng nasabing presinto si Kernel Domeng at siyang may ng JUAN LUNA PCP na isa sa pinagkukuhaan ng malaking ‘grasya’ ng Presinto 11?!

By the way, marami taga-MPD ang humihiling na palitan na si bagman Tata Bong Krus sa kolektong ng opisina ninyo.

Marami raw kasing binukulan! Ikaw rin … mahirap magsuot ng helmet ‘di ba!?

FYI PNP REGION 3 RD GEN. RAUL PETRASANTA

Humahataw ang mga PERGALAN Sa Tugatog, Meycauayan, Bulacan ni Lourdez Tomboy.

Sa intersection ng San Fernando City, Pampanga, kay Boy Lim; Sa Capas, Tarlac at Sto. Cristo, palengke, sina Dante, at Gordon. Sa Limay, Bataan at Zambales sina Peping, Beldan, Boy Lim, Boyet Pilay, Jayson at Gloria ang locators-kapitalista sa mga pergalan de 1602.

Paihi, patulo ng LPG, krudo, gasolina sa Sta. Clara, Bulacan sina Niño Kupal ang bantay. Sa Norzagaray, Bulacan ang paihi, patulo ay kina Alan Tayna, Pulding Tulo, Uding Batil, Raymond at Anoy. Sa Brgy. San Simon, Menalin, Pampanga sina Rose, Roy at Babbie ang kasador.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Repakol Siakol

Repakol handang-handa na para sa US tours

HANDANG-HANDA na para sa kanilang US Tour, Tropa North Bound Tour ang bandang Repakol (Siakol) sa Abril, Mayo, at …

Nadine Lustre Pia Wurtzbach

Nadine bumida sa Bulgari Studio Event

MATABILni John Fontanilla AGAW-EKSENA si Nadine Lustre nang dumalo sa Bulgari Studio Event na ginanap sa Seoul South Korea …

Ysabelle Palabrica Vehnee Saturno

Newbie singer na si Ysabelle ire-revive Kaba ni Tootsie

RATED Rni Rommel Gonzales ANAK ni Bingawan City (of Iloilo) Mayor Mark Palabrica ang newbie female singer …

Dingdong Dantes Marian Rivera  My Guardian Alien Family Feud

My Guardian Alien cast magbabakbakan sa Family Feud

I-FLEXni Jun Nardo BUWENA-MANO na guest ang cast ng GMA series na My Guardian Alien sa second anniversary ng Family …

Martin Nievera Vicor Music Viva

Tell Me ni Joey Albert bubuhayin ni Martin, umpisa ng mas magarbong career

I-FLEXni Jun Nardo BINALIKAN ni Martin Nievera ang ugnayan niya sa Vicor Music at Viva nang muli siyang pumirma ng kontrata …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *