Tuesday , April 16 2024

Tyrone Oneza nag-concert sa kanyang album launch sa Rembrant hotel

083014 tyrone oneza
ni Peter Ledesma

Sobrang nag-enjoy ang lahat ng mga dumalo sa Album Launch ng isa sa kinikilala ngayong artist sa ating local music industry na si Tyrone Oneza. Paano, hindi lang na-interview si Tyrone ng mga invited press at iba pang media people kundi naghandog pa ng isang masayang concert ang baby singer ni Tita Mega C, Yvonne Benavidez at talagang nagulat ang lahat dahil malaki na ang naging ni Tyrone bilang concert performer. Bagay na bagay sa kanya ang mga Rock OPM songs noong 80s lalo na’t nag-perform siya kasama ang Brutal Elements Band na magagaling rin lahat. Siyempre kinanta rin niya ang ilan sa cuts ng inilunsad na first self-titled album na “Dito Sa ‘King Pi-ling” tulad ng revival niyang hits noong 80s and 90s na Naghihinayang, Pangako at Kahit Konting Pagtingin na nilapatan niya ng spanish lyrics at bumagay naman sa kanta. Kasama rin sa mga kinanta niya ang original composition ng hitmaker na si Vehnee Saturno na “Hanggang Ngayo’y Ikaw” at ang carrier single sa album ni Tyrone na popular na sa lahat especially sa mga kids na “Dito Sa ‘King Piling.” Pero sobrang nakuha ng controversial hunk artist ang atensiyon ng lahat nang kantahin niya ang “Nag-iisa Ako, Maghihintay Sa ‘Yo” na noong nabubuhay pa ang minamahal na Nanay ay pinagtulungan nilang isulat ang awitin. Sobrang tumulo ang luha namin, habang kinakantahan ni Tyrone ang nakatatandang ka-patid na si Ate Baby sa stage na matagal nang based sa Canada at nagtatrabaho roon. Ang tindi ng dating ng lyrics ng song talagang bato na lang ang hindi maluluha, kaya ngayon ay ‘di na kami nagtataka pa kung bakit naging instant favorite ni Kris Aquino ang awitin ni Tyrone. Samantala sinorpresa pala si Tyrone ng composer niya sa album na si Vehnee Saturno na nagbigay ng suporta sa kanyang launching last August 26 na ginanap sa Ballroom ng Rembrant Hotel. Ang ganda ng mga binitiwang salita ni tito Vehnee patungkol kay Tyrone. Sinabi ng hitmaker na hindi man super galing na singer o biritero ang tinutulungang artist ay kumakanta siya nang galing sa kanyang kaloob-looban o puso. Punong-puno raw ng puso si Tyrone, at mararamdaman ito tuwing magpi-perform siya. Isa pang labis na ikinatuwa ni Tyrone ay nang bigyan siya ng Token of Appreciation ng very supportive na manager produ-cer na si Ma’am Yvonne dahil sa mga achievement na nakamit sa kanyang career. Si Tita Mega, Yvonne ang Presidente at General Manager ng popular na MEGA C, na tinaguriang “Mother of All Vitamins.” Mabibili na pala ang CD album ni Tyone sa mga suki niyong record bars nationwide. At sa lahat ng mga taga-Tondo, live ninyong mapapanood ang controversial singer-actor endorser sa kanyang first Campus Tour na gaganapin sa Torres High School, 7:30 a.m. onwards.

Kita-kits there gyud!

DAILY WINNER SA SUGOD-BAHAY SA BARANGAY NG EAT BULAGA MAY CHANCE NA MANALO NG HOUSE AND LOT   MULA SA LUMINA HOMES

Para sa mga daily winner sa Sugod-Bahay sa Barangay sa Eat Bulaga aba’y bukod sa sangkatutak na iba’t ibang papremyo kasama ng malalaking cash prize na ipinamimigay ng EB at Puhunan ni Marian Rivera, lahat ay may chance pang manalo at magkaroon ng brand new house and lot mula sa Lumina Homes. Walang ibang gagawin ang mga panalo sa public service segment ng number one and longest running noontime variety show kundi ang ihulog lamang ang kanilang Registration Form kung saang barangay sila nakatira na binisita nina Jose, Wally, Paolo at Marian. Malay ninyo, kayo na Misis ang magkakamit nito at pag nagkataon ay magkakaroon na kayo ng sariling bahay ng pamilya.

Ganyan magmahal ang Eat Bulaga sa lahat ng mga loyalista sa kanilang Dabarkads. Nami-migay sila ng bagong motorsiklo, kotse, alahas, hightech gadgets, appliances at kung ano-ano pa.

About hataw tabloid

Check Also

Barbie Forteza David Licauco Julie Ann San Jose Rayver Cruz, Ruru Madrid Bianca Umali

Sparkle artists kinasabikan sa Calgary

COOL JOE!ni Joe Barrameda MALAKI ang agwat ng ratings ng pilot episode ng It’s Showtime sa GMA 7 over Eat …

Bong Revilla Jr PMPC

Sen Bong nakipag-bonding sa PMPC

COOL JOE!ni Joe Barrameda MASAYANG nakipag-bonding noong Linggo, April 7, si Sen. Bong Revilla sa mga miyembro ng Philippine …

Pokwang Lee O’Brian Malia

Pokwang payag madalaw ng anak si Lee O’Brian sa Amerika

MA at PAni Rommel Placente SA exclusive interview nI Pokwang Fast Talk With Boy Abunda noong Huwebes, April …

Sarah Lahbati Ruffa Gutierrez Annabelle Rama

Ruffa ipinagtanggol naglalabasang quote cards ni Annabelle fake

MA at PAni Rommel Placente MAY post si Ruffa Gutierrez sa kanyang Facebook account para pabulaanan ang mga naglabasang …

blind item

Boylet ni Showbiz Gay namamaga ang lalamunan, madalas ding may lagnat

HATAWANni Ed de Leon KUWIDAW ang isang showbiz gay, nalaman kasi niya na ang kanyang boylet …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *