Saturday , April 20 2024

Update sa 8 Popular Sex Position

TUNAY na nagiging kabagot-bagot ang sex kung paulit-ulit na lamang ang paraan nang paggawa nito.

“Ito ang isa sa pinakapangkaraniwang reklamo,” punto ng sex coach at sexuality educator na si Charlie Glickman, PhD. “Gayon pa man, ang pagbabago ng posisyon at pamamaraan ay nakapapawi ng hirap.”

Subalit hindi rin naman kailangang maglambitin sa kisame o kaya’y magpatiwarik habang nakikipagtalik para maging kaaya-aya ang sex. Subukan lamang ang sumusunod sa mga classic sex position na aming ilalahad at tiyak na mag-iinit ang inyong silid-tulugan.

1. Doggy Style, gamit ang siko

Painitin ang iyong partner nang husto at patindihin pa ang kanyang penetration power. Ang tradisyonal na version ng nasabing posisyon ay nakatuwad ang babae sa dalawang kamay at paa habang ang lalaki naman ay nakaluhod sa kanyang likuran, subalit kung imbes kamay mga siko ang pagtukuran mas magagawang makapasok nang mabuti ang katalik, mas nagiging madali sanhi ng pagbago sa anggulo para mas malalim ang pagpasok ng penis sa iyong vagina, paglalarawan ni Dr. Glickman. Bonus pa: “Hindi mapapagod sa pagtukod ang iyong mga kamay habang buhat ang katawan.”

2. Doggy Style, gamit ang sinturon o scarf

Ang isa pang sexy update sa doggy style ay maaaring magsimula sa pagbitin sa iyong closet. “Pumuwesto sa kamay at paa, at palagyan ng malapad na sinturon o scarf sa iyong partner sa harap ng iyong balakang,” mungkahi ni Dr. Glickman. Kailangang hatakin niya ang slack at “gamitin ito para hatakin kang palapit sa kanya, nang hindi kinakailangang mahigpit ang paghawak sa iyo.” Tiyakin lang na nakalagay ang sinturon kung saan normal na sinusuot ito para hindi kumalas. “Ang paggamit ng sinturon o scarf ay nagpapatibay ng paghawak sa iyo ng iyong katalik,” na nagreresulta sa mas malalim na penetrasyon, dagdag ni Dr. Glickman.

3. Missionary, na may dagdag na friction

Ang extra rub ay nangangahulugan ng extra love para bagong spin ng man-on-top. Sa tradisyonal na porma ng paboritong posisyon, nakaharap ang lalaki sa ibabaw ng babae habang nakahiga sa kama. “Magsimula sa ganitong paraan, subalit isingit ang iyong mga binti sa pagitan ng binti ng iyong katalik at hayaan siyang umanggulo para kumiskis nang husto ang kanyang pagkalalaki sa iyong clitoris (tinatawag din itong coital alignment technique),” ani Rachel Needle, PsyD, isang psychologist at sertipikadong sex therapist. Ipitin siya sa pagitan ng iyong mga binti nang mahigpit para maramdaman niyang sumikip ang iyong vagina at lumikha pa ng mas matinding friction, o pagkiskis, sa inyong dalawa.

4. Woman on Top, na may extra clitoral stimulation

Imbes kumubabaw na lamang sa iyong partner habang nakahiga siya nang patihaya sa kama, pabaluktutin ang kanyang mga tuhod nang pataas, habang ang kanyang mga sakong ay nakatukod sa inyong higaan. Habang nangangabayo sa kanyang ibabaw, ilagay ang isang binti sa labas ng kanyang hita, at isa pang binti sa pagitan ng kanyang mga binti. “Mas magkakaroon ng control sa lalim at anggulo ng penetrasyon,” paliwanag ni Dr. Needle, “kasabay ng pagkiskis ng iyong clitoris sa pubic bone ng katalik.”

5. Reverse Cowgirl, na nakabali ang kanyang mga binti ng hugis diamond

Sa standard style ng posisyong ito “nasa ibabaw ang babae nang nakatalikod sa kanyang partner, habang nagtataas-baba sa kanya,” ayon kay Dr. Needle. Para sa bagong variation, “hihiga ang iyong katalik na nakatihaya na nakabali ang kanyang binti, ang mga sakong ng paa magkadikit, nakahiwalay ang mga tuhod para maghugis diamond. Kubabawin siya ng pabaligtad at saka ibaba ang sarili sa kanyang ari, yuyuko, para makiskis ang iyong clitoris nang husto.” Habang kinakabayo ang iyong partner, iminumungkahi ni Dr. Needle na laruin ang kanyang testicles at bigyan ng pressure ang kanyang perineum, ang bahagi na nasa pagitan ng kanyang scrotum at anus na punong-puno ng mga extra nerve ending.

6. Doggy Style, na nakabalot ang mga binti sa kanyang balakang

Lisanin ang kama para sa mas malalim na penetrasyon, mas matinding pag-orgasmo at mas magandang tanawin ng iyong backside para sa iyong partner. “Humiga nang nakadapa sa dulo ng kama,” instruksyon ni Dr. Needle. “Patayuin ang iyong katalik sa iyong likuran, habang naglalabas-masok—buhatin ang sarili gamit ang mga siko para sa mas matinding anggulo ng penetrasyon.” Nagbibigay ito ng pagkakaton para biguin ng stimulasyon ang iyong sarili.

7. Woman on Top, nang patagilid

Sa halip na nakaharap sa iyong partner o patalikod sa kanya, bigyan siya ng profile view, ani Ava Cadell, PhD, isang sex therapist. Para makapagbalanse, ilagay ang iyong mga kamay sa magkabilang tagiliran ng kanyang katawan, at itukod nang husto ang iyong mga paa sa sahig. “Makakapag-slide ng side-to-side hanggang sa ninanais, para makalikha ng sarili pagkiskis” para sa optimum stimulation ng front wall ng iyong vagina, na ang pinakasenstibong bahagi, dagdag pa ni Dr. Cadell. “At ang pagkilos ng iyong pelvis nang pababa ay para sa mas malalim na penetrasyon, at puwede i-align ang kanyang penis sa iyong G-spot, para masarapan nang husto.”

8. Missionary, kasama ang yoga

Alin man kung ikaw ay expert yogi o isang newbie, ang pagdagdag ng happy baby pose sa iyong sex session ay sadyang nagbibigay sa man-on-top ng karagdagang sarap. (Pero dapat iwasan ito kung ikaw ay buntis o may nararamdamang masakit sa leeg.) “Sa halip panatilihin ang mga binti na nakabuka gamit ang iyong mga leg muscle, humawak sa likod ng iyong mga tuhod,” paglalarawan ni Dr. Glickman: “Baliin ang iyong mga tuhod at hita para dumikit sa iyong tiyan, habang nakataas ang mga paa sa kisame. Saka hawakan ang iyong mga paa. Ibuka ang iyong mga tuhod at ilapit sa iyong mga kilikili.” Nakapagpapa-relax ang posisyong ito sa ibabang bahagi ng iyong likuran, at ipinabubuka rin ang iyong balakang at hita para sa mas malalim na penetrasyon.

Kinalap ni Tracy Cabrera

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

SM scholar 1

Pursuing education despite the odds
These SM scholar alumi are now steps closer to their dreams

Queenie Alfonso (left) and Prince Mangahas (right) join the SM Scholars’ general assembly at SM …

Krystall Herbal Oil

Kusinero, tubig at krystall herbal oil panlaban sa heat stroke

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint tactical inspection

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint  tactical inspection

PATULOY na itinataguyod ng SM Malls sa mga bayan ng Baliwag, Marilao, at Pulilan sa …

Krystall herbal products

PT bilib sa panggagamot ng lolang hilot katuwang ang Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *