Friday , April 26 2024

Tiya Pusit, humihingi ng tulong para sa kanyang bypass operation

082814 tiya pusit

00 SHOWBIZ ms mISANG post sa Facebook ang nakatawag ng aming pansin mula sa isa naming kolumnista na si Dominic Rea. Ito ay ang post naman ng aktres na si Berverly Salviejo ukol sa paghingi ng tulong para sa komedyanteng si Tiya Pusit.

Sa post ni Beverly ay humihingi ito ng tulong para sa pagpapagamot ni Tiya Pusit na ngayo’y nasa ospital at nakatakdang operahan. Narito ang kabuuan ng post ni Beverly.

“Sa lahat ng may mabuting pusong ibig tumulong at mag-contribute para sa operasyon ni Tia Pusit. Heto po ang contact number ng kanyang anak na si Christian 09328427295. Nawa’y makalikom sila ng sapat na halaga para matustusan ang operasyon. Malaking halaga po ang kailangan. Sabi po ng hospital ang stent na ikakabit sa puso ay mga 400-500K. May gagastusin pa para sa doktor, hospital, gamot, at dugo. Kahit ano pong halaga ay mahalaga sa kanila….”

Napag-alaman naming sasailaim ang veteran comedienne sa double bypass surgery kaya naman humihingi ang kanyang pamilya ng panalangin at donasyon. Sa Philippine Heart Center naka-confine si Tiya Pusit.

ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *