Thursday , March 28 2024

Misis uminom ng gasolina tigok

082814 poison lason dead

ZAMBOANGA CITY – Binawian ng buhay ang isang ginang makaraan uminom ng gasolina na hinaluan ng katas ng nakalalasong halaman kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Juliet Limpar Malintad, 30-anyos, residente ng Brgy. Kabatan ng nasabing bayan.

Kwento ng live-in partner ng biktima na si Oscar Alicaway, bago ang insidente ay nag-away sila ni Malintad dahil sa matinding selos ng ginang.

Aniya, inakusahan siya ng biktima na may iba siyang karelasyong babae at nagbantang magpapakamatay.

Dakong 8 a.m. natagpuan na lamang ni Alicaway ang ginang na walang malay. Isinugod niya ang biktima sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.

Sinasabing kumuha ang biktima ng ugat ng halamang tubli at inihalo ang katas nito sa gasolina na kanyang ininom.

About hataw tabloid

Check Also

Las Piñas Mass Wedding Kasalang Bayan

Sa ika-27 anibersaryo ng Las Piñas
102 COUPLES SABAY-SABAY NA IKINASAL

SA PAGDIRIWANG ng Buwan ng Kababaihan at ika-27 anibersaryo ng pagkakatatag bilang lungsod ang Las …

Buhain Richard Bachmann

Buhain, umayuda sa HB Bills para sa PH Sports

Pinangunahan ni Batangas 1st District Congressman Eric Buhain ang pagtalakay at pagsuri sa mga isinusulong …

Acuzar mapang-asar KALBARYO NG MARALITA ITINANGHAL SA NHA, DHSUG, PANAGHOY IWINASIWAS NG GRUPONG URBAN POOR

Acuzar mapang-asar  
KALBARYO NG MARALITA ITINANGHAL SA NHA, DHSUG, PANAGHOY IWINASIWAS NG GRUPONG URBAN POOR

MAHIGIT 300 informal settler families (ISFs) at civil society organizations (CSOs) ang nagtanghal ng Kalbaryo …

PNVF Volleyball

Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 Championship 2024

MAGSISIMULA ang Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 Championship 2024 ngayong linggo simula sa Biyernes …

Chasing Tuna in the Ocean

MTRCB ipinagbawal pagpapalabas ng Chasing Tuna in the Ocean 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INIHAYAG ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang desisyong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *