Saturday , April 20 2024

Misis sumama sa ibang lalaki mister nagbigti

CALAUAG, Quezon – Nagbigti ang isang 30-anyos driver sa Brgy. 3 ng bayang ito kamakalawa makaraan iwan ng kanyang misis at sumama sa ibang lalaki.

Kinilala ang biktimang si Jhon Jhon Dollosen Villaflores ng nabanggit na lguar.

Ayon sa imbestigasyon ng Calauag PNP, dakong 8 p.m. nang iulat sa himpilan ng pulisya ni Janneth Villaflores ang pagbibigti ng kanyang kapatid sa kanilang bahay.

Salaysay ni Janneth, dakong 3:45 p.m., natagpuan na lamang niyang nakabigti ang kapatid gamit ang nylon cord.

Sinabi ni Janneth, labis na dinamdam ng biktima ang pagkikipaghiwalay ng kanyang misis na sumama sa lalaking higit na bata sa kanya.

Ito ang pinaniniwalaang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.

(RAFFY SARNATE)

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *