Friday , April 26 2024

Vina at Robin, balik-tambalan sa Bonifacio

082514 robin padilla vina morales

00 fact sheet reggeeSI Vina Morales na ang leading lady ni Robin Padilla sa pelikulang Bonifacio na entry ngayongMetro Manila Film Festival 2014 na ididirehe ni Enzo Williams, isang Fil-Am director.

Naunang tanggihan ni Iza Calzado bilang leading lady ang pelikula ni Binoe dahil busy daw siya at ‘pag hinintay daw siya ay baka mahuli ang deadline ng Bonifacio.

Inamin din Robin sa presscon ng Talentadong Pinoy na hindi nga pumwede si Iza at nanghihinayang siya kasi balik tambalan daw sana nila ng aktres pagkatapos nilang magsama sa pelikulang Joaquin Bordado.

Ang mismong aktres na si Vina ang nagsabi sa aming may movie sila ni Robin, ”may movie kami ni Robin, ha, ha, ha, ha. Had a meeting yesterday, ‘yung ‘Bonifacio’.”

Kaya pala minamadali ni Binoe ang taping niya ng Talentadong Pinoy dahil mag-uumpisa na silang mag-shoot ng Bonifacio sa Agosto 29.

ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *