Friday , April 19 2024

Kim Chiu, feel gumanap na Super Hero sa TV o pelikula

081814 kim chiu
ni Peter Ledesma

Nagampanan na halos lahat ni Kim Chiu ang role na inaasam niyang mapunta sa kanya. Nag-drama na siya at comedy at masaya ang actress at tinanggap siya ng publiko. Ngayon may isa pang dream project si Kim na wish niya ay matupad rin. At ‘yan ay maging super hero naman siya sa isang TV series. Tanggap na raw ni Kim na kahit gustuhin niya magampanan ang cha-racter ni Dyesebel ay hindi raw talaga pupuwede dahil ‘di bagay sa kanya. Huwag na lang daw niya itong gawin at baka ma-bash lang siya. Basta ang gusto niya ngayon ay makagawa siya ng fantasy project. She’s looking forward for that. “‘Yun ang isa sa mga bagay na nilu-look forward ko kasi more on drama, more on iyakan, nag-comedy ako, bago lang. So gusto ko naman i-explore ang mundo ng fantasy,” sambit ng Kapamilya actress. “Kahit ano basta may super natural and everything,” hirit niya nang tanungin kung superhero movie or TV series ba ang type ni-yang gawin. Well hindi malayong matupad ang dream na ito ni Kim lalo pa’t isa siya sa bankable stars ng ABS-CBN. For sure in the future ay pagbibigyan ang kanyang hiling. Last week ay nag-renew pala ng kanyang contract sa Kapamilya si Kim ibig sabihin masaya siya sa pamamalakad ng estasyon sa kanyang showbiz career. “I’m very happy na nandito pa rin ako kung saan ako nagsimula, kung saan ako lumabas,” chika ng magandang dalaga na nagsimula nga bilang housemate sa PBB noong 2006. “Siyempre utang ko sa kanila kung nasaan ako ngayon at kung ano ang nara-ting ko. And I’m very thankful sa lahat ng magagandang project na ibinibigay nila sa akin for eight years plus,” pahayag sa latest interview sa kanya ng ABS-CBN.com. Samantala patuloy pa rin sa pamamayagpag ang rating ng teleserye nila ni Coco Martin na Ikaw Lamang na mapapanood pa rin weekdays pagkatapos ng Hawak Kamay. This week at sa mga parating pang episodes ay magiging kaabang-abang ang mga eksena dahil unti-unti nang lumalabas ang lihim ng nakaraan. At base sa feedbacks mula sa TV viewers nito, gustong-gusto nila ngayon ang karakter ni Kim bilang si Jacqueline, kumbaga chillax lang ang emote nito ngayon. Hindi tulad sa book 1 na ang bigat-bigat at laging umiiyak sa kanyang mga eksena ang actress. Kaabang-abang din siyempre ang mga eksena nina Coco at KC Concepcion bilang sina Gabriel at Natalia. Sa huling eksena na napanood namin sa Ikaw Lamang, mukhang may pagka-suspense drama ang twist sa pagitan ng dalawang karakter. Kaya tulad ng lahat ng mga sumusubaybay ng serye ay ‘yan talaga ang tututukan namin. Napakaganda naman kasi gyud!

PANGARAP NA CD ALBUM NI TYRONE ONEZA, IPINAGKALOOB NG ITAAS

Bawat artista o singer ay may kanya-kanyang pangarap para sa kanilang career. Kung ang mga artistang napapanood sa TV at pelikula ang nagwi-wish na sumikat at magkaroon sila ng acting award. Ang hunk singer-actor na si Tyrone Oneza mula nang sumabak sa showbiz ay dream magkaroon ng sariling album. Bukas sa Rembrant Hotel ay matutupad ang matagal na goal ni Tyrone sa buhay dahil sa araw na ito ay official launching ng kanyang first self-titled album na “Tyrone Oneza Dito Sa ‘King Piling” na majority ng songs na included sa album ay composed ng nag-iisang hitmaker sa music industry na si Vhenee Saturno. Malaki ang pasasalamat ni Tyrone kay Poong Nazareno, na isa siyang deboto at sa kanyang manager producer na si Tita Mega C, Yvonne dahil sila ang nagbigay katuparan para maging certified recording artist. Hindi basta-basta launching lang ang magaganap ngayong August 26, dahil may bonus si Tyrone sa lahat ng kanyang mga supporters na kinabibilangan ng kanyang mga fans at friends from Entertainment Press. Yes, magko-concert ang anak-anakan naming singer kasama ang Brutal Elements Band at may special guest ng gwapong singer si Ma’am Yvonne sa show. Siyempre kakantahin ni Tyrone ang ilan sa cuts sa kanyang album partikular na ang carrier single niyang “Dito Sa ‘King Piling” na patok na patok ngayon sa mga bata. Recently lang ay dinumog ang anak-anakan na-ming hunk singer sa show niya sa Montalban Rizal. Sa darating na August 27 ganap na 9:00 a.m. 12 noon ay may school tour naman siya Torres High School sa Tondo, Manila. Ang inyong columnist at labs kong entertainment editor sa X Files na si Miss Anne “Ganda” Venancio ang magsisilbing host. Sa darating na September, kaliwa’t kanan rin ang show ni Tyrone. Magkakaroon siya ng concert sa Palawan mula sa imbitas-yon ng maybahay ni late Conrad Poe na si Ms. Zeny Marcelo. Sa September 8 naman from 2 pm to 5 pm ay may show ang alagang recording artist ni Tita Mega C sa SM Megamall. Hindi talaga puwedeng pabagsakin ang tulad ni Tyrone Oneza na totoong may angking talent sa pag-arte at pagkanta at matindi ang karisma sa fans.

Good luck and more more power sa career gyud!

About hataw tabloid

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *