Thursday , April 25 2024

MMK ni Lyca, pinakapinanood na weekend program sa buong bansa

080414 lyca the voice kids ph

00 SHOWBIZ ms mNAKAKALOKA ang hatak ni Lyca Gairanod sa publiko. Sobrang dami ng viewers ang gusto talagang malaman ang pinagmulan ng first grand winner ng The Voice Kids. Noong Sabado talagang inabangan at tinutukan ng buong sambayanan ang kauna-unahang pagsabak sa pag-arte ni Lyca sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng kanyang kuwento sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN.

Paano naman, mataas ang rate na nakuha ng MMK noong Sabado. Ayon sa datos ng Kantar Media, ang MMK episode noong Sabado (Agosto 16) na nagtampok ng life story ni Lyca ang pinakapinanood na programa sa bansa noong weekend. Pumalo ito sa national TV rating na 38.4%, o triple ng nakuhang 12.8% ng katapat nitong programa sa  GMA  na Magpakailanman.

Bukod sa TV ratings, namayagpag din sa Twitter ang unang MMK ng batang nagwagi rin ng Camella house and lot muka Vistaland. Dahil sa buhos ng tweets ng netizens kaugnay ng makabagbag damdaming episode, kaagad naging bahagi ng listahan ng worldwide trending topics ang official hashtag ng programa na #MMKLyca. Gayundin, pasok din bilang isa sa nationwide trending topics ang mga katagang “watching MMK.”

Sa kabilang banda, personal na binati kamakailan ni dating Sen. Manny Villar si Lyca sa pagkapanalo sa The Voice Kids. Si Mr. Villar kasi ang head ng Vistaland na siyang nagbigay ng bahay at lupa para sa nanalo sa The Voice Kids. Napag-alaman naming saCamella Tierra Nevada sa General Trias ang napiling lokasyon ng mag-anak para sa papremyong bahay at lupa.

ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *