Friday , April 19 2024

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 58)

diary ng pogi

‘SAKIT SA PUSON’ ANG NAPALA NG TATLO SA PABORITONG SI MISS NUMBER 001

Anak ng pitong kulugo na tumubo sa wet-pu! Ang napili kong masahista ay kursunda rin pala nina Biboy at Mykel. Talaga naman kasing kagigil-gilil ang sex appeal ng masahistang may numerong “001.” Saksakan nang puti ay pagkakinis-kinis pa ng kutis. At hayup sa tambok ang mga boobs at maalsang wet-paks.

Hinamon ko sila ng “Bato-bato pick.” Ang manalo sa aming tatlo ang siyang kukuha sa serbisyo ng massage girl.

Matigas ang pag-iling ni Mykel sa suggestion ko. Nagdesisyon tuloy si Biboy na ibang babae na lang ang piliin ng bawa’t isa sa amin.

“Para walang mamagitan na samaan ng loob sa ating tatlo,” sabi pa nito sa amin ni Mykel.

Hindi roon natapos ang istorya….

Makaraan ang ilang araw ay solo akong nagbalik sa massage parlor na ‘yun. Tinikman ko ang kagandahan at kabanguhan ng masahistang si “Number 001.”

Kaya lang, makaraan din lang ng tatlong araw ay kabilang na ako sa mga pasyenteng nakapila sa klinika ng isang doktor na espes-yalista sa venereal diseases.

Nagkagulatan pa kami nina Biboy at Mykel. Nandu’n din pala sila sa klinika dahil tulad ko ay nakararanas din ng masakit at hirap na pag-ihi. At tulad ko pa rin ay nag-solo flight pala ang dalawa sa pagpapaserbisyo sa maganda at seksing masahistang si Number 001.

Sakiiit! Nakupuuu!

No Comment

Dumating ang bakasyon. Nagkalayo-layo na kaming magkakabarkada. Pare-pareho na kaming naka-graduate sa kolehiyo. Umuwi ng Bicol si Arvee. Si Mykel naman ay sa Ilocos Norte. Balik-Cavite ako. Tanging si Biboy ang walang uuwiang probinsiya dahil kapwa taga-Metro Manila ang mga magulang niya. Ang balak ko, konting pahinga muna at saka na ako maghahanap ng mapapasukang trabaho.

Patuloy pa rin kaming nagkokontakan sa cellphone nina Arvee, Mykel at Biboy. Pero nang magtagal ay si Biboy na lang ang nagre-reply at sumasagot sa tawag ko sa cp. Inisip ko na lang na masyado na sigurong naging busy sina Arvee at Mykel.

(Itutuloy

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

SM scholar 1

Pursuing education despite the odds
These SM scholar alumi are now steps closer to their dreams

Queenie Alfonso (left) and Prince Mangahas (right) join the SM Scholars’ general assembly at SM …

Krystall Herbal Oil

Kusinero, tubig at krystall herbal oil panlaban sa heat stroke

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint tactical inspection

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint  tactical inspection

PATULOY na itinataguyod ng SM Malls sa mga bayan ng Baliwag, Marilao, at Pulilan sa …

Krystall herbal products

PT bilib sa panggagamot ng lolang hilot katuwang ang Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *