Thursday , April 25 2024

Cedric, Zimmer, at Deniece, mas maraming ipis at dagang makikita sa bagong kulungan

040314 prison deniece cedric raz
ni Ed de Leon

NAPANOOD namin sa telebisyon habang sina Cedric Lee at Zimmer Raz, ang mga suspect sa kaso ng pambubugbog sa komedyanteng si Vhong Navarro ay inililipat sa Taguig City Jail mula sa kanilang kinakukulungan sa NBI Detention Center. Medyo pumalag si Raz sa kautusang iyon ng korte, dahil baka raw sa city jail ay “makatuwaan” sila ng ibang mga bilanggong fan ni Vhong. Hindi nga ba, hindi pa man sila nahuhuli ay may mga naka-post na sa Facebook na mga presong “inaabangan” na ang kanilang pagdating. Pero sinabi ng BJMP at maging ng korte na nasa ayos ang pagkukulungan sa kanila.

Hindi agad nailipat si Deniece Cornejo sa Taguig City Jail, dahil nag-file ng motion for reconsideration ang kanyang abogado, pero kung ganoon ang desisyon ng korte sa kaso ni Raz, palagay namin susunod na rin doon si Deniece. Kung sa CIDG ay sinasabi niyang mainit, at maraming ipis at daga, palagay namin mas marami siyang makikitang ganoon sa Taguig.

Ewan kung sa hinagap ng tatlong iyan ay naisip nilang masasadlak sila sa kalagayan nila ngayon.

About Ed de Leon

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *