Friday , April 19 2024

Higanteng pagong dinakip ng pulis

080814 pagong

NAIBALIK din sa mga may-ari ang isang higanteng pagong na nahuli ng pulisya na naglayas at namamasyal sa kahabaan ng isang lansangan sa suburban Los Angeles.

Ayom sa Alhambra Police Department, binawi mula sa kanilang kustodiya ang 150-librang giant tortoise ng lokal na pamilya isang araw makalipas na makawala sa kanyang tahanan.

Kinailangan ng dalawang pulis para buhatin ang dambuhalang pagong at ipasok sa kanilang patrol car para i-turn over ito sa control authorities.

Nag-post ng mga larawan ni Clark ang departmento sa kanilang Facebook page sa pag-asang mahanap ang owner ng pagong at nagbiro pa ng ‘Tortoise-and-Hare’ joke ukol sa pagkakahuli nito makaraan ang maikling habulan.

Ang species ng higanteng tortoise na pangkaraniwang laganap sa North America ay ang Bolson tortoise (Gopherus flavomarginatus), na tinatawag din na Mexican giant tortoise o Yellow-margined tortoise. Sa apat na North American tortoise species, ito ang pinakamalaki.

Umaabot ang sukat ng carapace o bahay nito ng 46 sentimetro ang haba (18 pulgada). Naninirahan sa rehiyon sa Chihuahuan Desert na kung tawagin ay Bolsón de Mapimí.

Nadiskubre ang Bolson tortoise noong 1959. Ang kuwento nasa isang rantso ang grupo ng mga biologist na nagtatrabaho sa Bolsón de Mapimí nang makita nila ang ilang mga manok na kumakain sa mala-king labi ng bahay ng isang pagong. Nagtanong sila kung saan nanggaling ito at tumugon ang mga lokal na residente na bahay umano ito ng “la tortuga grande del desierto,” ang higanteng pagong ng disyerto.

Kinalap ni Tracy Cabrera

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

SM scholar 1

Pursuing education despite the odds
These SM scholar alumi are now steps closer to their dreams

Queenie Alfonso (left) and Prince Mangahas (right) join the SM Scholars’ general assembly at SM …

Krystall Herbal Oil

Kusinero, tubig at krystall herbal oil panlaban sa heat stroke

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint tactical inspection

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint  tactical inspection

PATULOY na itinataguyod ng SM Malls sa mga bayan ng Baliwag, Marilao, at Pulilan sa …

Krystall herbal products

PT bilib sa panggagamot ng lolang hilot katuwang ang Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *