Friday , April 26 2024

Diskarte, kailangan sa Quiet Please nina Goma at K

080514 richard gomez k brosas

ni Letty G. Celi

SA Agosto 10, 8:00 p.m. ang pilot show ng pinakabago, pinakagrabeng comedy game show ng TV5, ang Quiet Please, Bawal ang Maingay! na ang pinakamagaling na host ay sina Richard Gomez at ang napaka galing na komedyanang si K Brosas.

First time na magsasama sa isang TV show sina Goma at K kaya super happy ang huli dahil idol niya si Goma at dream niyang makatrabaho. Imposible na kasing  magkasama niya ito sa buhay. Basta kyems lang ito ni K. Basta feel niya na mag-klik ang kanilang hosting job.

Bagay daw kasi ang tambalan nila na magdadala ng kuwela ang pasaway at siya raw yun isang gentleman at hindi masalita na si Goma.

Nakatutuwa ang takbo ng show, take note “bawal ang maingay” kasi ang gagawin ng contestant ay bubunot siya ng isang bagay at gagawin niya pagkatapos ipaliwanag sa kanya ang dapat gawin. Halimbawa, chicharon, pwede mo bang kainin ito ng walang ingay? Malutong ito. Anong paraan ang gagawin, eh, ‘di basain ng laway mo. O kaya soft drinks in can. Pwede bang buksan ito ng walang ingay? O maingay ang papel ‘pag pinunit mo!

Kalookah!!!! pero may technick ka. May diskarte ka. ‘Yang papel mapupunit mo sa gitna, either dahan dahan ang pagpunit at daganan ng kamay.

MATCH ANG TAMBALANG GOMA AT K

BASTA kakaibang game show ang Quiet Please, Bawal Ang Maingay! Paano kung ang co-host na si K Brosas na kilalang batikang komedyana tatahimik at hindi mag iingay eh, iya mismo hindi pwedeng kontrolin ang sarili. Simpleng  joke lang, tatawa ka!

Eh, kaya pala si K ang choice para co-host ni Richard ay dahil maganda ang tambalan nila. Isang worst at isang silent type kuno. Eh, si Wilma Galvante  nga tuwang-tuwa  na si K ang napiling itambal kay Goma. Match na match daw.

About hataw tabloid

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *